Prologue

452 11 1
                                    

"MY protégés, welcome back," our master greeted us with utmost delight. Like I've always done for over a decade, his eyes sparked in amusement as the number of casualties on my ledger turned higher and higher. Higher than the institute buildings I've been groomed to, while the bodies I carry in front of him will eventually be buried in the deepest pits of the property.


At kung tama nga ang dalawang 'yon, maaaring maging ang kaluluwa ko ay may handa nang kasing lalim na hukay sa impiyerno.


"My girl always makes me proud," dagdag pa niya sa pinakatamis na tono na magagawa ng mga labi niya. Nakagagalak sa puso sa tuwing mayroong papuri mula sa kanila pero bakit ngayo'y tanging pandidiri ang namumutawi sa dibdib ko?


Marahan akong naglakad, animo'y tulad ng mga dalagang kinakasal sa simbahan, subalit walang mahabang pulang alpombra sa aking daanan. Pawang ang malansang dugong naikalat ng naunang nagtanghal ng kaniyang huli sa mga kamahalan ang aming tinatapakan. Ang lalaking nasa hangganan ay hindi nakatayo para hintayin ang aking kamay, bagkus siya ang nasa tuktok ng altar at inaabangan ang handog para sa kaniya.


"Patawad po kung natagalan. In any case, all women on the list were successfully captured," I nonchalantly reported as I yanked the chains on my hand and lifted it for my master and the other masked visitors to see.


The people at the clanking metals' end whimpered in vain as their hands and necks were within my grip. "I hereby inform you that the mission is accomplished."


Kapwa napasinghap ang mga saksi sa bulwagan, hindi dahil sa pagkaumay sa dugo sa aming kasuotan at maskara kundi sa pagkamangha na sa aming magkakambal na naman ang pinakamarami at pinaka-importanteng huli. Mangingisda ang turing sa amin sa tuwing may nais pawalain sa mundong ibabaw at kapag may kailangan iligpit, kami ang mga anino tuwing tabi, nakasunod at abang nagtatago sa dilim.


"I hope you enjoy whatever use these women will provide you, masters," Max said with his lips reaching both sides of his ears. And as expected, his baritone voice, soaked with enthusiasm, always earned claps and praises.


He's a victor just like me, never failing and never disappointing the masters who brought us up. The masters are the only ones who can sit upright on those seats so high—the masters who we treat as gods.


But alas, the title of the victor is no longer as tempting and fulfilling as it once was.


"We will. Hahaha! We will. Kahit kailan hindi niyo kami binigong dalawa."


Napatango-tango ang aming mga nasa harapan, mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa mga trono nila. Lumapit ang isang guwardiya upang maipasa namin ang kontrol sa kanila. Pumwesto siya sa pagitan namin ni Max at saka namin sabay na iniabot sa kaniya ang kadena. Sa pag-abot ko ay kasabay din ng pag-abot ng pansin ko sa likuran ng aking kaliwa.


Dito ay imahe ng mga babaeng walang pakundangan naming hinatak sa pagkakagapos at ngayo'y tulad namin, magiging alipin na ng buhay at nakatali sa mga paa ng iba. Hindi ko batid kung bakit sila nasa listahan; wala rin naman akong karapatang kwestiyunin ang pamamahala ng mga amo.

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now