Chapter 7: Heed to the Memory

100 4 0
                                    

"ANO?!" Ni hindi ko na nga napigilan pa ang sarili kong boses sa pag-ariba, lalo na't may higit pa palang hindi kapani-paniwala na balak ang natitirang Montelier sa mundo. Ang Montelier na kung tutuusin ay dapat pinahahalagahan ang kaniyang buhay gayong maaaring matapos ang halos pitong henerasyon na kasaysayan ng pamilya niya sa kanya.


Pumatigil ako sa mabilisan kong paglalakad at marahas siyang nilingon, buhat-buhat ng wangis ko ang mga kilay na magkasalubong. "Not just any woman can become a Montelier bride," I insisted greatly with my teeth gritting.


Caesar, exhausted from continuously trying to catch up with my pace, then rolled his eyes over. "Ako 'yong groom. Tingin mo hindi ko alam 'yon? Tingin mo gusto kong magpakasal sa kahit na sino?" sarkastikong balik niya sa kabila ng paghangos.


Nang abang tinitigan ko lang siya ay huminto na rin ang mga paa niya. Kasabay ng mabigat na buntong-hininga, napa-pamewang ito na animo'y ako pa ang wumiwika nang 'di kapani-paniwala.


"Do you really think I'd give myself away to someone unworthy just because it's a contract?" he irritatingly asked. With him now wearing a casual dark grey shirt and black basketball shorts, he blended more with the people than he was a while ago. But it also made us seem like a young couple bantering beside the busy city streets.


Kaya nga kami nakipagpalit ng damit sa may-ari ng inn at sa asawa nito para ilayo ang atensyon mula sa amin, pero heto't tila kabaliktaran pa ang dulot nito.


Frustrated about making him understand that it's not a position I'd want or deserve to fill, I clicked my tongue loudly. "I am unworthy," I told him, shaking my head. "Unworthy of the title. Unworthy of having such a prestigious name on mine..." I paused for a second, reminding myself again why even contacting him was dangerous in the very beginning.


"I'm unworthy of you," I said once and for all, my eyes falling to the cemented road. I am willing to die for you. Make me your pawn, not the queen piece that could alter the game's course. It's too risky. Even I know I am a menace regardless of who I ally myself with.


Marami pa sana akong masasabi para maipaintindi 'yon sa kaniya ngunit hindi ako hahayaan ng kasalukuyan kong kondisyon. The last thing I could ever wish in our situation is to puke blood sa publiko sa katirikan ng araw. At paano nga ba ilantad ang kwentong may hila-hilang mga alaala ng mga bangkay?


Bago ko pa man harapin muli ang daan nang kagat-kagat ang labi, agad na hinablot ni Caesar ang kanang kamay ko para patigilin ako sandali. "Kapag ba naikonekta ko sa 'yo lahat ng pamantayan para maging asawa ko, papayag ka na?" seryoso't diretsa niyang ani na taliwas sa nauna niyang naging reaksyon sa pagtutol ko.


Parang umurong ang dila ko. Ni hindi pa nga niya naiki-kwento sa 'kin ba't kailangang magkautang na loob sa kaniya ang neutral faction pero heto siya't handang magdugtong-dugtong ng kung anu-ano.


"In this case, I'll treat your silence as a yes," he stubbornly decided, bearing a straight face even if he didn't give me enough time to protest.

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now