AKO lang ba o kakatwa ang konsepto ng pangako? Kung gaano kabilis banggitin ang mga salita ay siya ring kay dali at bilis nitong hindi tuparin. I can't even fathom how could a person be able to sacrifice so much for a few fickle words, for words are simply words. And I guess I would never know, for I also betrayed my own word.
I, his only ally and twin left him before he could return. I ran away with the others─ the very people he was so wary of, scared for my life, and the promise somehow didn't matter anymore at that time. I'm a traitor, and yet I'm also a survivor. If it means finally living what's 'real,' I would simply wait for the consequences to come and get me.
"Quinzel, papasok na ako sa trabaho!"
Nakuha ang atensyon ko sa pamilyar na pagpapaalam sa akin ng kaibigan nina Archer at Hunter. Sa tuwing nalalapit nang pumatak ng alas-otso, nililisan niya ang apartment na ito suot-suot ang uniporme para sa mga taong huli ko sigurong maiisipan na hingan ng tulong― ang kapulisan.
"Gising ka na ba?" marahan niyang tanong kasabay ng ilang pagkatok sa pinto ng silid ko. "May pagkain na sa hapag-kainan. Huwag kang magpapalipas ng gutom, ha?"
At tulad ng lagi niyang ginagawa sa may pintuan, maririnig ang malakas na pagbuntong-hininga niya. Buntong-hiningang dulot marahil ng pagod at pagkalito sa bagay na hindi naman niya obligasyon sa una't sapul pa lang.
Ibinaba ko na ang lapis na hawak ko gamit ang aking kaliwang kamay at saka inilapag ito kasabay ng sketchpad sa lamesa. Sa paglipas ng ilang segundo ay napansin ko ring lumamlam na ang presensya niya. Nang tuluyan itong naglaho at pumarinig ang pagsara ng pinto mula sa labas, pagkakataon ko naman na bumuntong-hininga sa sitwasyon naming dalawa.
Like I've always done for the past seven months, once Calvin leaves, I'll stand from my study table, iron my plain sundress with my calloused palms, and tighten the silver hair cuff's grasp on my braid. I'd walk in front of the small rectangular mirror hanging on the wall and remind myself of who I should finally be.
"You're Quinzel de Agustin. Twenty-six. You are free now. You don't have to fear anything at all," I mumbled despite how my voice trembled. It trembled as if I was saying an obvious lie. It's as if any word I uttered is not mine.
It's okay. It will grow on you. Just keep telling that to yourself every day, and you'll be fine.
I repeated the same words over and over until my throat can no longer even produce a whimper. Tila may lihang kinakaskas sa lalamunan ko sa tuwing sinusubukan kong magsalita, isang parusa na sa aki'y iniabot bilang huling ganti ng mga among tingin sa akin ay walang utang na loob na lumisan mula sa pugad nila.
Nang lumabas ako ng kwarto, pawang nakabibinging katahimikan lamang ang sumalubong sa akin. Sa sobrang tahimik ay malinaw ko na namang nasusubaybayan ang alitan ng mag-asawa na nakatira sa unit sa taas namin at ang lasing na naghihimutok sa kasunod na unit.
Nevertheless, the rooster's crows remain the same, and the neat living room is just as it was yesterday. I cannot deny that Calvin is quite good at keeping his domain spotless, regardless of it being a second-rate apartment.
YOU ARE READING
The Montelier Bride
Mystery / ThrillerIn order to survive her hunters, Quinzel de Agustin, a woman who bears truths that could forever change the Underground, told one lie--- she's a mute. However, when their trail comes closer than ever to threaten her freedom, Quinzel decides to resor...