Chapter 22: Aftermath of the Escape

48 2 1
                                    

I AM curious. I wouldn't deny that. I'm quite sure I am everything of the word and gradually, it killed the cat. It reminded me of something I thought to have been eternally buried only to discover the surprise of it constantly breathing. Yes, at the first moment of our 'lovers' encounter, I was thinking of another. I was thinking of the promise I made which I gambled my life and soul with. I was thinking of the girl who was supposed to hand me to Death but entrusted me with a longer life instead.


"We're here," I remember her telling me this when we finally find refuge in a humble abode. It wasn't too far from the manor, but far enough for the hunters to abandon their hunt for a while.


Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay na ni disenteng bumbilya ay wala. Nababalutan ang bawat piraso ng furniture ng puting tela habang niyayakap na ng dumi't alikabok ang ibang kagamitan. Sa ibabaw ng coffee table sa may sala ay nagkakanlo ang notice na 'For Sale,' halatang niyurak at binaklas sa pagkakapaskil sa labas.


"Bakit tayo nandito?" nababahala kong tanong. "Nagsinungaling ka ba sa 'kin? With what I'm seeing, this is probably a good place to be my resting place right now."


Pero napaka-ipokrito ko. Imbes na umatras at abangan ang posibleng balya ng kapahamakan, mas humigpit lamang ang kapit ko sa kamay niya. "Nagbago na ba ang isip mo?" Napalunok ako. "Are you going to kill me here then?"


Matapos matakasan ang sunud-sunod na banta ng kamatayan, hindi ko maiwasang pagdudahan na ang bawat bagay. Kung tutuusin, ang pagsama sa taong kanina'y handa akong patayin ay isang kabaliwan. Pero heto ako, nakapulupot maging ang mga daliri sa kamay ng parehong tao na 'yon. Siguro nga, nababaliw na 'ko, ngunit kung maililigtas ako ng kabaliwang ito, sige, tatanggapin kong baliw na 'ko.


"Don't get any wrong ideas," matawa-tawa nitong tugon. "I'm not someone who's easily swayed. To tell you the truth, it took me a decade before I can even decide something like this on my own."


Kakatwa. Kaninang nasa labas kami at bukas sa kahit anong peligro, ni hindi nagtaas-baba ang mga balikat niya o dibdib. Subalit ngayong naririto kami, ligtas at walang ibang tao liban sa amin, hindi siya mapakali.


"A-Are you okay?" I squeezed our hands tighter, attempting to extend whatever comfort I could provide to her. "Why don't we sit f—"


"Your great-grandmother, your last relative, Madame Vassily, is going to be here soon. She has reinforcements with her to safely get you out of here and to collect your parents' bodies. The police will reach the Wisteria Manor in two hours once they receive the scheduled email I sent."


Agad akong napamaang at napakurap sa pagputol niya sa 'kin. "Ano?"


At bagama't napakahigpit ng hawak ko sa kamay niya, ang sa kaniya nama'y tila walang lakas at mga daliri niya'y nakalapat na. Parang wala nang enerhiya. Parang wala nang pag-asa. Nagugulumihanan kong tiningnan 'yon... Ang sabi niya sa 'kin ay hindi siya tatalikod sa pangako niya pero ang kamay niya, para na akong sinusukuan.

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now