Part3

43 0 5
                                    

Ooops!. Group assignment pala ang kailangan gawin tapos di ako nag-fofocus. Kailangan ko tumulong para naman di nila sabihin na wala ako kontribusyon doon.

"Okay, class, next meeting you will present your group assignment. See you around. Class dismissed." Nakuu! Tapos na ang oras ng klase hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya akong lumapit kay Jemma kaso kailangan ko siya i=approach para tanungin ang part ko.

"Jemma!", sabi ko na may lakas ng loob. "Ano nga pala gagaawin ko para sa assignment natin?", nahihiya kong sabi sa kanya.

Pinaliwanag niya sakin ang gagawin ko. Grabe, ang lambing niyang magsalita. Di siya makabasag-pinggan! Nakaka-inlove talaga siya. Matapos ang usapan naming iyon ay nagpaalam na ako sa kanya.

Pag-uwi ko ng bahay, inumpisahan ko nang gawin ang parte ko sa assignment namin. Kaso, nasa isip ko pa rin ang malambing na pagsasalita ni Jemma at ang maamong mukha niya. Hindi ako makapag-concentrate sa paggawa! Di ko siya maalis sa isip ko. Paikot-ikot ang mga nangyari kanina. Mula nung kinausap niya ko at natulala ako hanggang sa pagpapaliwanag niya ng gagawin ko.

Nahuhulog lalo ang loob ko sa kanya.

- Kring Kring! -

... Itutuloy~

Kaibigan o Ka-ibigan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon