Oo, may standards ako noong highschool. Gusto ko ng sobrang ganda, matangkad, sweet, morena at may pagkamatampuhin. Pero parang kabaliktaran ang attitude na nakita ko kay Jemma. May ugali siya na nagustuhan ko na wala naman sa standards ko. Nakakinis pala noh? Kahit pala wala sa standards mo, you can feel LOVE!
true love ba toh? O baka kasi infatuation lang.
A week after I first met Jemma, kinausap niya ko. We became groupmates sa isang group assignment. Syempre tahimik ako, nahihiya, nagpapawis kasi kaharap ko yung taong TYPE ko na siguro. :)
Anlamig ng pawis ko habang tinititigan ko siya sabay sabi niya sakin, "Hello. Aldred right? Can I call you Dred na lang?".
Natulala ako dude! Para akong nilagay sa freezer ng isang taon at nanigas at hindi makapagsalita.
"Hey! Are you mentally absent? Uyy, hello!", sabi niya sakin at sabay nagising ang ulirat ko! Nahiya akong sumagot ng, "Ah, oo, sige!".
Nagpapawis ako matapos yun. Ewan ko, kinakabahan ako, ang lakas ng tibok ng puso ko! :D (Tug! Tug! Tug! Tug!)
__________ Itutuloy.....