Isang araw, nakita ko siyang mag-isa sa campus. Umiiyak. Nilapitan ko siya.
Ako: Jemma! Teka, bakit ka umiiyak? Halika nga dito, yayakapin na lang kita para naman kahit papano malaman mo na di ka nag-iisa. Anong problema?
Jemma: Ah wala to. May naisip lang ako.
Ako: Boyfriend mo ba yan? Ooops, biro lang. Hehe.
Jemma: Adik ka. Pero sa totoo lang, oo. :(
Nasaktan ako sa narinig ko. Mayroon nga siyang boyfriend, pero hindi ko pinakita yung nararamdaman ko. gaya nga ng sabi ko nung una, di ko alam kung totoo yung nararamdaman ko! :( Pero gusto ko pa rin siya i-comfort.
Ako: Ha? Bakit? Nag-break ba kayo? Nag-away? Nagkatampuhan?
Jemma: Nagbreak na kami kaninang umaga lang. May iba na daw siyang mahal eh. Ang sakit lang dred. Ang sakit! :(
Ako: Teka nga. Di lang naman siya ang lalaki sa mundo diba? Kung iniwan ka niya let him go. Hayaan mo siya kasi kung kayo talaga, magiging kayo din naman in the future diba?
Jemma: Pero masakit marinig sa taong mahal ko na may mahal na siyang iba. Naging faithful naman ako and I did my very best to be the best woman for him. Kaso kulang pa yun. Ano bang kulang sakin Dred?
Ako: Walang kulang sayo Jemma. Halos lahat ng attitude ng isang ideal girl ng mga lalaki nasayo na.
Jemma: Eh bakit niya ko iniwan?
Ako: Because he doesn't deserve you. Mahal ka naman naming mga kaibigan mo eh. Andito lang kami para sa'yo. Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Para ka lang nagkukulay ng WHITE CRAYON sa WHITE COUPON. Kahit gaano kadami ang effort mo, hindi niya makikita yun.
Jemma: Hayyy. :(
Ako: Oh siya tahan na ha. Wag ka na iiyak. Mahal kita Jemma, mahal ka namin. Tahan na! Marami pang lalaki diyan, marami pang pwedeng magmahal sa'yo. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan mo, kasi di mo makikita ang mga taong nagmamahal sa'yo ng totoo. :)
Jemma: Salamt ha. :)
Ako: Wala yun, ikaw talaga. Oh eto panyo, punasan mo luha mo. Wag ka na iiyak, tatanda ka niyan sige ka. :) Hehe. Joke lang.
Jemma: Opo ngingiti na. :)
Ang saya pala sa feeling kapag napapangiti mo yung taong mahal mo kahit di mo man naamin na may nararamdaman ka sa kanya. Okay pala kahit na kaibigan ka lang niya, atleast andiyan ka kapag kailangan ka niya.
Itutuloy....