Part5

37 0 0
                                    

Ding! Ding! Ding!

Tumunog na ang alarm clock ko. Nagising ako men! Badtrip. Ang sarap ng tulog ko eh. Ang saya pa ng panaginip ko. Secret na lang kung ano yun. :P Hahaha!

Pagdating ko ng school, tinanong ko si Drexel, isa sa mga unang kaibigan ko this college. At tanging nakakaalam ng number ko. "Binigay mo ba number ko kay Jemma dude?"

"Ah oo nga pala dude nakalimutan ko sabihin sa'yo. Kinuha niya yung number mo kasi kailangan ka daw niya makontak para sa group assignment natin. Hehe. Pasensya na dude ah.", paghingi ng pasensya sakin ni Drexel.

Pero sa totoo lang, natutuwa ako. Kung alam lang ni Drexel na masaya ako dahil doon. Salamat sa kanya kasi nasa akin na yung  number ni Jemma. Di pa ko umeffort nun ha.

LUNCH BREAK --

Ako: Dude, may boyfriend na kaya si Jemma? Sa tingin mo lang.

Drexel: Siguro dre. Sa ganda at bait ba naman niyang yun wala siyang boypren. Imposible naman yata yun dude. Haha! :D

Ako: (Napatahimik at medyo nalungkot) Oo nga dre. tama ka.

Drexel: Bakit mo ba natanog dude?

Ako: Ah wala lang.

Drexel: Type mo noh? Asus kunwari ka pa dude.

Tumawa na lang ako at iniba ang usapan.

Nang biglang........

Kaibigan o Ka-ibigan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon