Masarap sa feeling na napangiti ko si Jemma. Kahit alam ko na wala siyang nararamdaman sakin ayos lang basta napaparamdam ko na mahal na mahal ko siya.
TRUE LOVE na nga yata ito. Halos lahat kaya ko gawin para lang mapasaya ko siya.
Matapos ang araw na yun, lalo kami naging close ni Jemma. Madalas kami ang magkasama sa canteen at maging sa pag-uwi at pag-aaral. Unti-unti kaming naging malapit sa isa't isa Lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Lumalalim na ang nararamdaman ko.... Aamin na ba ako? Itatago ko lang ba para sa pagkakaibigan naming dalawa? O liligawan ko na siya at baka maagaw pa ng iba?
Ito ang mga tanong na patuloy tumatakbo sa isipan ko... Di ako makapagdesisyon.. Natatakot ako na baka kapag inamin ko ang nararamdaman ko para kay Jemma ay layuan niya ako....
Hanggang sa.................