Official
Pagkarating namin sa venue naglapitan agad ang mga press kay Samantha at Miguel, syempre isang sikat na model/doctor, at isang abogado ang dumating. Feeling ko tuloy personal assisstant nila ako.
Humiwalay nalang muna ako sa kanila dahil maraming press na gustong interviewhin sila, kaya nauna nalang akong pumasok, siguro naman may makikita akong kakilala ko dito.
Habang nakatunganga ako ay nakikita kong nag eenjoy ang dalawa sa paguusap, nakatingin lang ako sa kanila, makikita mo sa mata ni Miguel na masayang masaya siya kay Stephanie. Who wouldn't? Matalino, maganda, sexy, mayaman, at may maipag mamalaki eka nga ni Miguel eh good catch.
"Kapag masakit na wag mo nang tingnan." Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko. "Hi! Nice too see you again Mary" Dagdag pa niya
"Ginulat mo naman ako Kevin. Kamusta ka na? Kelan ka pa dumating?" Sunod sunod na tanong ko kay Kevin. Kaibigan sya ni Miguel, nakilala ko sya noong nag paparty si Miguel dahil nakapasa siya sa Bar exams hanggang sa napadalas ang pagkikita namin kaya naging close din kami ni Kevin.
"I'm good. Still handsome. Haha. Actually 1 week na ako dito sa pinas" Sagot niya "How 'bout you Mary? Still inlove with your so called bestfriend?" tiningnan ko sya nang masama dahil sa sinabi niya. Oo matagal ko nang mahal si Miguel pero kinalimutan ko na yon. Hindi ko na siya mahal. Siguro.
"First of all Kevin stop calling me Mary. Second, bakit di ka manlang nagpaparamdam! Alam kong busy ka pero kahit kamusta wala?" Pag hihimutok ko kay kevin. Bukod kasi kay Miguel, si Kevin ang lalaking naging close ko parang naging kuya ko na siya.
"I like calling you Mary, let's keep it that way." Kinindatan pa ako ng mokong. "And di kita nako-contact kasi po busy ako, nag turo ako kasabay ng pag aaral ko sa states. Wag ka na magtampo jan." Paliwanag niya
"You didn't answer my question, are you still inlove with him?" Seryosong tanong niya. Sasagot na sana ako nang biglang magkaingay sa dance floor at nakita kong hinahalikan ni Miguel si Steph. Natulala ako at naramdaman ko nalang na may humawak sa pisngi ko at pinunasan ang luhang kusang tumulo doon.
"I guess I already know the answer now Sabi ko nga sayo, kung masakit na wag mo nang tingnan." Para bang naawang sabi ni Kevin
"Kailangan kong tingnan, para masanay na ako. Actually, sanay naman na ako eh, for the past 6 years hanggang tingin lang naman talaga ako." Nakangiti ako habang sinasabi yon, pero alam ko hindi umabot sa mata ko ang ngiting iyon.
"Ang martyr mo Mary. Why don't you tell him what you feel?"
"Para saan pa?" Mapait na sagot ko. Nakita kong papalapit na saamin si Miguel at si Steph.
"Uy pare! Buti nakauwi ka na!" Matapos batiin ni Miguel si Kevin bumaling agad siya sa akin. "Guess what Toni!" Halos mapunit ang labi ni Miguel sa pagkakangiti niya.
"Hmm let me guess kayo na no? Ayiiee bumigay na si Steph!" Asar ko sa kanila. Masakit. Akala ko wala na kong nararamdaman pero mapapamura ka nalang.
"Yes! It's official! We're now in a relationship!" Masayang pahayag ni Miguel. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kasaya
"Congratulations sa inyo!" Bati ko sa kanila "I'm happy for you Miguel, atlast after all those years!" Totoong masaya ako para kay Miguel, kahit magpanggap akong masaya ayos lang. Dun naman ako magaling eh. Ang magpanggap.
"Uhm bro congrats! Hiramin ko muna si Mary ah, may sasabihin lang ako. Ako na din maghahatid sa kanya, enjoy the night lovebirds!" Pagkatapos niyang sabihin yon hinila na niya ako palabas ng venue at isinakay sa kotse nya
"You can cry now." Napatingin naman ako sa kanya, at tumulo nalang ng kusa ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit, sobrang sakit na parang pinipilipit ang puso ko
"Iiyak mo lang yan lahat, I'm here, I'm back mayroon ka na ulit pagpapahiran ng sipon mo tuwing iiyak ka dahil sa kanya." Napangiti ako ng kaunti sa sinabi niya at yumakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm A Mess
RomanceWhen you thought you had the best night of your life but then the reality wakes you up. He doesn't love you. "I love you." She said. "I'm sorry" He replied. Two words that break her heart into pieces.