Chapter 17

38.4K 604 11
                                    

Hindi sapat

"S-steph ano ba yang sinasabi mo?" Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa kinakahinatnan ng paguusap namin

"Yes I know what you feel for him. Inamin niyang may nangyari sa inyo. Tell me, may balak ka bang agawin siya sa akin dahil sa nangyari sa inyo?" Kalmadong pahayag niya. Pero nakatingin siya sa mata ko ng mariin

"S-sorry. Hindi ko n-naman alam na mangyayari yon eh. Alam ko namang kahit anong gawin ko, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya." Narinig kong nagbuntong hininga siya

"Alam mo? Gusto kong magalit sayo Toni pero hindi ko magawa, dahil ikaw ang nagkumbinsi kay Calvin na wag akong tigilan kahit iniwan ko na siya. Pero mahal na mahal ko na si Calvin ngayon. Hindi ko kayang isuko siya sayo ng ganon lang. Bakit ngayon mo lang naisip na aminin iyan kung kailan alam mong kami na?!" Medyo tumaas na ang boses ni Steph kaya napatingin siya sa paligid nila kung may ibang nakakarinig.

"Sorry. Hindi ko naman kayo gustong magkagulo ni Calvin" pinunsan ko muna ang luhang tumulo bago ituloy ang sasabihin ko. "Oo mahal ko si Calvin, mahal na mahal pero hindi sapat na mahal ko lang siya para maging akin siya eh. Ako naman yung nasa tabi niya for the past few years pero ikaw pa rin yung hinahanap niya. Alam mo yung pinakamasakit? Pinagsigawan ko sa kanyang mahal na mahal ko siya pero isinigaw din niya sa akin na ikaw lang. Ikaw lang ang kaya niyang mahalin." Gusto ko nang lumubog sa kinuupuan ko ngayon nawalan ako ng lakas

Hinawakan lamang niya ang kamay ko at hindi na nagsalitang muli.

"S-steph sana hindi na makarating kay Calvin kung ano man yung pinag usapan natin please nakikiusap ko" pagbasag ko sa katahimikan

"You're not gonna tell him that you are leaving? That's unfair Toni!" Pahayag niya

"Wala namang magbabago kahit sabihin ko sa kanya." Ngumiti ako sa kanya ng matipid. "Sana kapag nagpa despidida ako, pumunta kayo pero wag mo nalang sasabihin sa kanya na despedida yon. Please Steph? Alam kong ang kapal na ng mukha ko para hilingin sayo ito pero baka yun na yung last na makita ko ang bestfriend ko"

Bumunting hininga muna si Steph bago siya magsalita. "Okay sige. Aayain ko siya. Sana lang kung pupunta siya walang ibang mangyari sa inyo" paalala pa niya

"Thankyou. Thankyou! Saka sorry talaga alam kong hindi mababago ng sorry ko yung nangyari pero gusto kong malaman mo na tanggap ko na ikaw yung mahal niya." Pagpapasalamat ko.

"Sige na. I'll go ahead may meeting pa ako." Hindi katulad ng dati, hindi na bumeso sa akin si Steph

Ano pa nga bang aasahan ko, sa storya nila ako ang naging kontrabida. Ako yung ipinipilit ang sarili sa taong may mahal nang iba.

Kinabukasan, pag pasok ko sa opisina napag desisyunan kong kausapin agad si Cedric tungkol sa promotion

"Hi nikka! Nanjan ba si sir Cedric? Pwede ko ba siyang makausap?" Tanong ko sa secretary niya

"Yes mam, wait lang po ah" sagot nito sakin bago bumaling sa intercom. "Sir miss Antonette want's to talk to you.---- okay sir." Pagkababa niya ng telepono ay binalingan na niya ako. "Pwede na po kayong pumasok." Ginantihan ko nalang ang ngiting ibinigay niya sa akin

"Goodmorning sir!" Bati ko ng makapasok na ako sa loob

"Goodmorning too Antonette. Diba sabi ko wag mo na akong i-sir?" Nakangiting tanong niya

"Eh nasa company po kasi tayo, nakakahiya naman po baka kung ano ang sabihin ng iba." Sagot ko

"Okay fine. Pero pag nasa labas Cedric na lang hah?" Sa ngiti ni cedric medyo gumagaan ang pakiramdam ko. "So what brings you here?" Tanong niya

"Uhm I'm just going to say na I'll accept the promotion sa New York" Tila ba nagulat pa si Cedric sa naging desisyon ko dahil nakita ko ang pag angat ng kanyang balikat

"I'm glad you accept it. Maayos ba ang Visa mo? Or do you want me to help you in that? In two weeks kasi kailangan makalipat na tayo sa New York." Paliwanag pa niya. Hindi na ako nagulat nang sinabi niyang kasama siya dahil sinabi naman na ni Kevin iyon

"Yes sir. Maayos naman po yung working visa ko, requirement po kasi yon dito sa company kaya laging nasa ayos." Sagot ko

"If that's the case, ticket nalang pala ang ipoprovide ng company sayo. Mas madali tayong makaka alis." Sabi pa niya. "By the way, did you tell your parents already? Baka kasi in one week umalis na tayo." Nagulat naman ako dahil biglang naging one week ang two weeks

"Hindi pa po. Pero sasabihin ko na din po sa kanila, okay lang po bang mag leave ako bago tayo umalis? Uuwi po muna ako ng bulacan and para makapag empake na din." Request ko pa

"Okay lang. May nahanap na din naman akong kapalit mo dito so don't worry too much." Nakangiting sagot nito

"Thankyou sir! Sige po aalis na ako, naistorbo ko na kayo pasensya na po." Paghingi ko ng dispensa

Nang makauwi ako sa bulacan, sinabi ko na agad sa magulang ko na napromote ako at sa ibang bansa na ako magtatrabaho. Tuwang tuwa naman sila dahil malaking opportunity naman daw iyon.

Inubos ko ang natitirang oras ko dito sa Pilipinas sa pakikipag bonding sa pamilya ko in that way nakalimutan kong hindi buo ang puso ko ngayon.

I'm A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon