Chapter 39

35K 510 6
                                    

Space

Tiningnan ko lang ang mga mata ni Miguel, halo halong emosyon ang nakikita ko rito. Sakit, pagmamahal, pag aalala.

"But why? W-why didn't you tell me about what you feel? Why did you keep it to yourself!" Tanong ko sa kanya

Napayuko lamang sya "because I'm scared that I'll scare the shit out of you. You see, you're too young back then, and I'm contented with the friendship we had. I already have you in my self I thought that being your bestfriend would be enough that my feelings will suddenly vanish if I always see you around. But I'm wrong! Oh god knows how much I want to shout how much I love you but there's so many what if's in my mind!" Umiiyak na sabi nya

"When Steph came back from states you told me that I should court her. Sinunod kita, dahil akala ko iyon ang best para sa atin pero hindi! Sobrang tanga ko, naging sobrang duwag ko! Bakit hindi ko manlang napansin na mahal mo ako? Edi sana matagal na tayong naging masaya, pero wala eh, pagdating sayo nabobobo ako" mapait syang napangiti

Pinigil ko sya at hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay nakayuko lamang

"I love you the first time i laid my eyes on you, cliché right? Pero yun ang naramdaman ko noong ipinakilala ka sa akin ng kapatid ko, ibang iba ka sa mga nakilala ko. You're not afraid to show who you really are, kapag ayaw mo ayaw mo. I admire you for that. Ginawa ko ang lahat para mapalapit sayo, lahat." Nakatingin lang sya sa mga mata ko

"Pero kung hindi mo na talaga ako kayang tanggapin, okay lang. Basta maging masaya ka lang. Kahit na alam kong malulungkot ako dahil wala ka, pero kung ang kapalit naman ng kalungkutan ko ay maging masaya ka, sino ako para pilitin kang manatili sa tabi ko?" Saad nya habang nakatitig sa aking mga mata

Pinunasan ko ang kanyang mga luha at unti unting inilapit ang mga labi ko. Hanggang sa naramdaman ko na ang init ng kanyang mga labi. I missed this, I missed how my world can turn upside down whenever his lips touches mine

Nang maglayo ang aming mga labi nakita ko syang gulat na nakatingin sa akin.

"I love you, Miguel. I never stopped loving you! Naging duwag lang din ako. Natakot ako, naisip ko na hanggang kaibigan lang talaga tayo dahil sino ba naman ako kumpara sayo? Marami ka nang narating samantalang ako? Wala manlang ako sa kalingkingan ni Steph. Kaya naisip ko kayo ang bagay, pilit kong inalis sa isip ko ang nararamdaman ko para sayo. Dahil akala ko yon ang pinakamabuting gawin para sa ating dalawa" ani ko

"Siguro we need space Miguel. This time para ayusin at matutong mahalin muna ang ating mga sarili. Siguro by the time na maging maayos na tayo, yung walang kahit anong sakit na nararamdaman pwede na tayo." Tumayo na ako at nag umpisang maglakad palayo

"Sabi mo mahal mo ako! Pero bakit? Bakit kailangan pa natin ng space? Fuck that space! Nandito na tayo mahal mo ako mahal kita ano pa bang kulang??!" Frustrated na sigaw niya

"Yung kulang? Pagmamahal sa sarili! Tiwala! Wala tayo non Miguel! Hindi sa lahat ng oras sapat na mahal lang natin ang isat isa. Please we need space, aalis muna ako, I'll make sure that when I come back buo na ako, tayo. Kung mahihintay mo ako." Sagot ko sa kanya

"I'll let you leave kung yan ang gusto mo. I'll give you the space you want pero kapag nainip ako? Hahanapin kita kung nasaan ka man at hindi hindi na ako papayag na iwan mo pa akong muli, kaya bilisan mo lang dahil madali akong mainip."

I'm A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon