Chapter 35

31.3K 425 4
                                    

Deep

Nang makababa kami mula sa ride na iyon hindi ako makatingin sa kanya, hindi dahil sa nahihiya ako kung hindi dahil baka hindi ko makayanan ang emosyon ko at maipag sigawan ko rin sa harap niya na mahal na mahal ko siya.

Aaminin ko matagal ko nang minimithing sambitin niya ang mga katagang yon, god knows how long I dreamed for this moment, but I can't bring myself to return what he just said this is not the right time, I'm not yet ready for another heartache

"Hey you okay? Bigla kang natahimik." Puna niya.

"I'm okay, napagod lang ako kakasigaw" sagot ko

"Uhm tara na? Kain tayo? Anong gusto mo?" Alangang tanong nito

"Pizza!" Pilit kong pinasigla ang aking boses upang hindi na sya mag alala pa

"Let's go! Baka mag beastmode ka pa pag di ka nakakain" asar pa nito sa akin

"Kapal nang mukha mo! Sino kaya satin ang mainitin ang ulo kapag di nakaka kain agad" Balik kong asar sa kanya

Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin ng matapos akong magsalita

"Oh anong problema mo? Ngiting ngiti ka naman jan" tanong ko habang naglalakad kami

"Wala lang. I'm just happy, naalala mo pa yon. Yung mga time na nagagalit ako sayo kasi gutom ako. I'm glad that even the simple things naalala mo pa rin"

"You know, I was inlove with you before kaya halos lahat ng kilos mo at ginagawa mo alam na alam ko" natahimik sya sa sinabi ko, at alam ko kung bakit.

"Was. Ang sakit naman marinig non, but I deserve it. I'll make it up to you, I'll make you fall inlove with me again. Deep. So deep that you can't even pull yourself up para sa akin ka lang palagi babagsak." Makahulugan niyang sinabi habang nakatingin sa aking mga mata at hawak ang aking mga kamay.

Kung alam mo lang Miguel, kung alam mo lang. Hulog na hulog na ako pinipilit ko lang itago muna dahil di ko na kayang mabasag pang muli dahil sa pagkahulog ko sayo. Yan ang mga salitang gusto kong bitawan ngunit nanatili na lamang akong tahimik at hinila sya papasok sa restaurant

I'm A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon