Khione's POVGood day!
You are accepted as an applicant in the position of Velamour's Personal Assistant of Velamour High Ends. Please prepare your requirements to be interviewed on July 27, Monday 9AM.
Xxxxxx
Thank you.~
Ngumiti ako ng payak nang matanggap ang e-mail galing sa trabahong inapplyan ko. Hindi pa man ako tuluyang natanggap, isa na itong pagkakataon para makapagsimula na ulit ng bago.
Noong nakaraan lang ay nalaman kong may nagbukas na posisyon sa kumpanya ng VHE.
Ang Velamour High Ends ay isa sa pinakasikat na kumpanya sa Pilipinas. Hindi lamang dahil sa ganda ng pagpapatakbo nito at sa mataas na kalidad kundi dahil sa CEO nito. Isa siya sa pinakabatang CEO sa Pilipinas.
Matagal na rin akong naghahanap ng trabaho na mapapasukan bago mag bukas ulit ang klase. Mag 2nd year college na ako at mas maraming gastusin na naman. Para makatulong kay mama, nag apply agad ako sa trabahong iyon kahit hindi pa man din ako maalam sa ganito. Dadalhin ko nalang sa angking talino na naipamalas ng yumao kong ama, bata pa lamang ako.
Lahat naman ng bagay natututunan. Mas natututo rin ako kapag galing sa aking karanasan kung kaya ay malakas ang loob ko na pupuwede ako dito. Nag research din naman ako ng mga posibilad na gagawin kapag ako kay naging PA lalo na ng CEO ng kumpanya.
Akalain niyo yon? Ni hindi ko man lang inasahan na matatanggap pa rin ako para sa interview. Hindi naman ganon ka kumplikado at kataas ang standard niya sa PA. Ang alam ko lang, wala naman daw kinalaman ang PA sa trabaho niya dahil may Assistant naman siya sa trabaho. Kailangan niya lang siguro ng alipin.
I volunteer as tribute.
~
Limang linggo na noong nagumpisa ang klase at sa susunod na linggo ang schedule ng interview ko.
Parang gusto ko nalang mag back-out at hindi pa nakakalahati ang dalawang buwan ng klase ay gusto ko nang humimlay tapos papasok pa ko sa kumpanyang 'to.
Ganunpaman, kailangan ko pa ring makatulong kay mama na kumakayod at naghihirap mabigyan lang ako ng makakain sa araw-araw at maipasok sa kalidad na paaralan. Scholar man ay marami pa ring gastusin lalo na sa mga projects at events sa school.
"Hoy nakikinig ka ba?" Iwinagayway ni Mitch ang kamay niya sa harap ko dahil nakatulala na naman ako. "Nasobrahan ka na sa kape, hoy. Natatameme ka na naman."
Inismaran ko siya at napabaling nalang sa librong binabasa ko. Na stuck ako sa isang pahina dahil nakatunganga na naman ako. Nag-aaral kasi kami para sa laboratory quiz mamaya.
Parehas kaminh 2nd year college ni Mitch at tulad ko ay MedTech student din siya. Halos lahat ng subjects ay magkaklase kami pero merong dalawa na hindi kaya kami naging magkaibigan.
Madaldal din ang hinayupak e. Kung alam ko lang ganito pala 'to kadaldal edi sana nilayuan ko. I'm kidding, she's actually a pretty great friend. But again, ang daldal niya.
"Ikaw nga kanina pa dumadaldal 'di naman kita inano e." Inikutan niya lang ako ng mata at nagpatuloy ng kuwento.
"As I've been telling you, hindi ba't ang ganda ni Professor Blanche? Parang hinulog na anghel. Nakita mo ba kanina sumulyap siya sak-"
"Hoy, masamang pinapantasya ang guro. Maghanap ka ng kaedad mo." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Sa kadaldalan at kalandian, walang makakatalo kay Mitch. Bakit ko nga ba kaibigan 'to?
"Excuse you? She's just 2 years older than us! That's like the perfect age gap for couples!" Eto na naman siya. May pa hand gestures pa.
"Propesor pa rin natin 'yon. Tumahimik ka diyan at baka mabalibag kita."
BINABASA MO ANG
The Feelings That Blossoms (PPG-S #1)
Любовные романыKhione meets the eldest of Velamour siblings