Chapter 2

11 2 0
                                    

"Miss Conte, stay."

Halos tawagin ko na lahat ng santo wag lang ako atakihin sa puso.

Mahigpit akong napahawak sa sling bag ko at marahang tumingin sa kaniya.

"Po?" Malamig niya akong tinignan at sumulyap sa upuan na malapit sa kaniya.

Gusto niya ba akong umupo d'on? Rold, give me another sign kung pinapaupo niya talaga ako. Akala ko ba time to exit na.

"Sit down." Thank you sa sign, rold.

Sa lamig ng boses niya, mapapasunod ka nalang sa kaniya. Nagmumukha na akong aso rito pero go lang.

"I believe you are still a student?" Nakapandekwatro siyang sumandal sa kaniyang upuan at nag cross arms pa.

Nauna na ring lumabas ang secretary niya nang sumenyas ito na iwan muna kami.

"Yes, ma'am."

"Yet you still applied. May I know your reasons?" Napakunot noo ako sa tanong niya. What is this all about?

"To help with family finances po?" Sagot ko na patanong. Napatango naman siya habang nag-iisip habang nakaupo lang ako like a good girl. Baka mamaya kainin ako nito. Why is she even interrogating me?

"I have a proposal. Breakfast, lunch, and after school. This will be your schedule Mondays to Fridays. 7AM-10PM on weekends. A salary of ₱100,000.00 a month which means ₱25,000.00 per week." Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.

"100k po?!" Tinignan niya lang ako ng masama dahil sa naipabulalas ko. Pasensya na ha, ikayayaman ko na kasi 'to pero parang barya lang sa kaniya. "Wait lang po, let me think."

Hindi pa rin nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya. Nakapangalumbaba naman siya nakatingin sakin, hinihintay ang sagot ko.

"Bakit po 100k? I'm not complaining po pero kayo lang ata ang alam kong malaki magpasweldo." Kahit ipakain pa ako nito sa leon, tatanggapin ko 'tong 100k na 'to. Umismid naman itong kausap ko.

"Your job will be difficult. It's not as easy as 1, 2, 3. Plus, you're a student. This will help. So?" Tinaasan niya pa ako ng kilay na parang nanghahamon.

Ang hot niya tignan.

Ay jusko po, rold.

"When do I start, ma'am Velamour?" Nagniningning na siguro ang mga mata ko ngayon.

Miss Velamour smirks and stands up. "Tomorrow. Be here at 6AM. I don't tolerate tardiness." She starts walking to the door but I stop her with a question.

"Why did you choose me, miss Velamour?" I tilt my head to the right, curious of her reason.

She shruggs.

She freaking shruggs like it's the most awesome answer she could give.

Pinagpatuloy lang niya ang paglalakad, rinig ang paghakbang ng takong ng heels niya. Naiwan akong nakatulala sa loob ng conference room.

Ang daming tanong sa utak ko.
Bakit ako? Why did she alter her schedule without me asking? Bakit siya mismo ang dumalo sa interview niya yon? Hindi nga iyon interview e, nagsalita lang naman siya at pinaalis kami! Pwede namang secretary niya ang magsabi sa amin n'on. Bakit siya? I'm not complaining pero parang iba ang takbo ng utak ng boss ko.

Masyado siyang seryoso, malamig at mahiwaga. Hindi mo maintindihan ang takbo ng utak niya. Kahit gan'on, bibilib ka nalang talaga sa kakayahan niya. Kada hakbang niya, it seems like she owns the whole place, which she probably does. Pero ang aura niya, nakakabighani. She's the epitome of perfection.

The Feelings That Blossoms (PPG-S #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon