"You. Get inside."
Sumunod ako sa kaniya papasok ng office habang naiwan si Faith sa reception.
Nakita kong nakaupo si Bubbles sa couch na tila naghahanap ng kasagutan kung bakit umuusok ang ilong ng ate niyang pumasok.
Nakatungo lang ako habang tinitignan ang sahig dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sitwasyong ito.
Wow, sahig.
Nilapitan ni Ms. Velamour si Bubbles at hinalikan niya ito sa noo. Sa mga gawi at ayos palang nila, alam mong napakaclose nilang magkapatid. Siguro kung nandito rin ang isa pa nilang kapatid ay mamumuro ako sa ka sweetan nila.
Normal ba ito sa magkapatid? Akala ko kasi nagrarambulan dapat e.
"Sit down, Conte." Tigas nitong sabi kaya napaupo naman agad ako sa couch. Pinagmamasdan lang kami ni Bubbles na hinihintay kung ano ang mangyayari. Kulang nalang bigyan ng popcorn yung bata. "Do you know what you did wrong?"
Bahagya ko siyang sinilip sa mga talukap ng aking mata. Pero nang makita ko ang matalim nitong titig ay nag-iwas ako.
Umiling lang ako sa kaniya kasi hindi ko naman talaga alam in the first place.
"You're not supposed to roam her arround the building. You should have served her a drink, make her comfortable in the couch, and inform me that she has arrived!" Nanggagalaiti nitong sabi kaya napalunok ako.
Wala akong kaalam alam diyan! No one gave me a briefing on what to do with these situations!
"Ate, I'm fi-"
"Will you please not interrupt adult talk, love?" Taas kilay nitong pang-aasar sa kapatid niya.
She have a side like this?
"Ate naman!" Slang na pagtatagalog nito kaya bahagya akong napangiti. Ang cute talaga ng bata.
"What's funny?" Bigla nitong tanong sa nakakatakot na boses. Bipolar ba itong boss ko? Magagalit, mang-aasar, tapos mapipikon!
"Stop scaring her, eonnie. She's new, be lenient naman." Pagtatanggol ni Bubbles sa akin. Buti naman pinanindigan niya sinabi niya kanina, kung hindi, putukin ko iyang bula bula niya.
Bumuntong hininga si Ms. Velamour at marahang umiling, halatang naiistress.
"I'm sorry po. I should have known better." Pagpapaumanhin ko kaya tinignan ako ng dalawa. "Pero no one briefed me about this naman." Mahina kong sabi.
"Sorry, Miss Bubbles." Tumabi ito ng upo sakin at sinubukan niya akong akbayan ngunit matangkad ako kaya hirap siyang abutin ang shoulder ko. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa ang boss ko dahil sa kapatid niya.
"Hayaan mo na po si ate, gutom lang 'yan." Humagikhik ito sa akin kaya napangiti ako. Tila nawala ang pagkadismaya ko sa inasta ni Ms. Velamour kanina. "Let's eat!" Sigla nitong sigaw.
Tumayo naman ang boss ko at nagsimula nang mag-ayos ng gamit para umalis. Nakaupo lang akong pinagmamasdan sila.
I never eat lunch with her if it's a normal day. Nagsasarili ako kung hindi naman lunch meeting dahil hindi pasok sa job description ko.
Hinintay ko nalang silang lumabas para na rin makakain ako dahil nagugutom na ako.
"What are you waiting for?" Taas kilay niya akong tinanong kaya napakunot naman ang noo ko.
"Po?"
"Are you just gonna sit there?" She rolled her eyes at me kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Ano ba ang gusto niyang mangyari?
BINABASA MO ANG
The Feelings That Blossoms (PPG-S #1)
RomanceKhione meets the eldest of Velamour siblings