Chapter 4

7 1 0
                                    

2 weeks had passed and my schedule has been so hectic. I'll go to VHE in the morning, then to school, VHE, school, then VHE again.

Iyan nalang ang nagiging routine ko palagi. I can't say I'm doing good because honestly, I don't even eat well these past few days. Lunch nalang ako nakakabawi kapag may lunch meeting si Miss Velamour.

Hindi na kami halos magkibuan ng boss ko. Kinakausap lang ako nito kapag inuutusan ako pero bukod doon, wala na kaming other means of communication.

Palapit na rin ang midterms exams namin kaya puyat ako ng puyat. I need to ace my tests baka mamaya ako mahulog pa ako sa top. Hirap na hirap si mama kakatrabo tapos babagsak lang ako? No way. Papaaralin ko pa kapatid ko.

Tomorrow is Saturday and Miss Velamour will have a meeting. Ito ata ang unang meeting na sasalihan ko dahil kailangan niya raw akong nakabantay doon. Her secretary will be busy taking minutes that's why.

"Tulala ka na naman." Tapik ni Mitch sakin sa balikat.

Kanina pa ako nagbabasa ng libro para maagang makapaghanda sa midterms. Gusto ko nalang sana itulog dahil pagod na pagod na ako pero hindi ako nakakatulog 'pag hindi sa bahay. It feels uncomfortable especially in public. I need my pajamas to sleep too.

"Claire, may naisip ka na bang sasalihan sa intrams?" tanong nito nang makaupo sa tabi ko. Actually, hindi pa ako nakakapagdecide dahil marami akong gustong salihan pero dalawa lang ang puwede kaya iniisip ko kung ano yung pinakagusto ko. Minsan nalang naman 'to kaya nilulubos ko talaga.

I'm never too old for this.

"Ikaw ba?"

"Don't answer my question with another question." Nakasimangot nitong tugon. Humagikhik ako sa kaniya kaya lalong umasim ang mukha.

"I haven't decided pa e. Siguro I'll join the badminton and dance troupe?" I actually enjoy dancing. Maraming nagsasabing magaling daw ako sumayaw. Sumasali naman talaga ako sa mga sayawan sa dati kong school noong elementary and secondary kaya nadala ko na hanggang paglaki. It's not really my passion, but I just enjoy dancing.

I also enjoy playing badminton din. I'm neither good nor bad. May tryouts for badminton team after midterms kaya siguro mag tatryouts nalang ako. Kai and I are always playing badminton. Minsan sumasali din si mama.

Gusto ko nga rin mag volleyball kaso hindi naman ako nakakasalo ng bola. I honestly can't catch a ball and bring it back to the other side of the net. Lagi nalang akong display kapag naglalaro ng volleyball kasi kapag binibigay nila sakin, pumupuntos yung kalaban. Kaya kahit masaya mag volleyball, wag nalang. This sport is definitely not for me.

"Ay bet. Mag tatryouts ka for two teams? Bakit hindi ka nalang sa quiz bee? I'm sure you'll ace them." Tinignan ko naman ito na parang isang weirdo. Not because I ace my academics does mean that I'm obsessed with academic events. Kakatapos lang noon ng midterms, mag q-quiz bee pa ako.

Hindi ako santo!

Binelatan naman ako nito at umupo sa tabi ko.

"Hoy, may chika ako." Nagliwanag naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kaya best friend ko 'to e.

"Si Miss Blanche, may issue. Nakitang may kalandian na estudyante rito mismo sa Vela Fille-U." Naestatwa ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nito.

Not because I'm against teacher student relationship but because of what I've seen the last time I visited the office of faculty. It could be possible that the student whom I saw with Miss Blanche that day could be the student they're referring.

The Feelings That Blossoms (PPG-S #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon