4

113 50 22
                                    









Jillianne's POV

Nasa supermarket kami, pauwi na sana kaso gusto mamili ni Mama wala na kami nagawa nina Papa at Ate kaya't nababangot na ako. Wala na akong nagawa kundi mag libot na lang! Nag paalam naman ako kay ate kaya't kahit papaano isa sakanila nagpaalam ako.

Pumunta ako sa Snack corner para maglibot. Ngunit bawal naman ako kumain nito dahil kakagaling ko lang sa uti. Ayon at pinag bawalan na kami ni Ate na kumain ng kung ano-ano lalo na ang cup noodles.

Dahil sa uti ko, kaya't bumaon kami sa utang, doon nagastos ang huling sweldo ni Papa. Naglilibot lamang ako dito, naglalakad ng mapunta naman ako sa mga tinapay! doon ay naalala ko na bawal din kami sa matamis at maalat. Andaming bawal diba? parehas kasi kami pinag saktan ng tiyan ni ate.

" Hoy! kanina kapa ah?! sinusundan mo ba ako?! " nakita ko yung lalaking panay kindat sakin kanina sa sunflower farm. Nakakabwisit! Akala mo naman nakakagwapo ang pagkindat.

Mukha s'yang manyakis kung alam n'ya lang!

" Hindi ah! ang gwapo ko naman para maging stalker! " wow! Wow lang! Ayaw pang sabihin ang ginawa.

Sa mukha pa lang nito naiinis na ako!

" Ayun na nga eh! sa sobrang gwapo mo, naging stalker kana! kanina kapa, sa sunflower farm pa lang hindi mo na ako tinitigilan. Pati ba naman dito?! " inis kong sambit dito! pero tama naman din yung pagkakasabi ko sa gwapo.

Sa sobrang gwapo, hindi ko na s'ya madescribe. Inirapan ko na lang ito at nagmartsa na kay ate, huli na ng malaman ko na pinagtawanan lang ako ng gago.

Hinanap ko na lang si ate, at nang mahanap ko naman ito ay nakikipag talo din ito sa lalaking gwapo!

" Oh tama na, tama na! " pag singit ko sa gitna nina ate.

Bakit kasi sa book corner pa nakipag away si ate? basta talaga pagdating sa mga book nakikipag away na s'ya. " Mamang gwapo tama na po, wag n'yo na lang po patulan ate ko. Sadyang may sayad lang utak n'yan! "

" Pft! HAHAHAHAHA! " nainis naman ako sa tumawang iyon. Nang tignan ko naman ang taong iyon ay tuluyan na ako naasar!

Sinusundan n'ya talaga ako!

" Ikaw nanaman? hindi mo ba ako titigilan?! " asar na sambit ko ko dun sa lalaking tinarayan ko kanina. WTF? Pag tawanan daw ba ang aking magandang mukha? " Kuyang gwapo, ako na po humihingi ng pasensya may sayad lang talaga utak ng ate ko! Kung gusto mo. Yung book na lang ng ate ko kunin mo hehe! "

" Ano?! Jillianne pwede? Kahit ngayon lang, wag ka sumali sa usapan namin! At wag mo idadamay ang book ko! " inis na sambit sakin ni Ate. Mahina naman ako natawa at nagkamot na lang ng ulo.

Matapos ay dahan dahan naman ako umalis at tumakbo kina Papa. Sopistikada pamandin ang ate ko at talagang makikipag bardagulan iyon para lamang sa iisang book. Nang makita ko sina Papa!

" Papa si ate, nakikipag away doon sa may book corner! " sa sinabi ko ay tumakbo naman agad si Papa. Samantala si Mama ay pingot pingot ako sa tainga.

" Ikaw bata ka, nandoon kana bakit hindi mo pa inawat ate mo? " pinapagalitan ako ni Mama habang pingot naman ako sa tenga. Ang sakit kaya non!

Iba ang kamay ni Mama, parang may bakal oh kahoy haha!

" Ayoko kayang masapak ng lalaki ang beauty ko! Sayang lang mukha ko pag hindi ako nasali sa beauty pagaent. " maarte kong sambit.

Matapos ay sumunod na lang kami ni Mama kung nasaan si ate at Papa, doon ay hindi pa rin tapos si ate sa pakikipag away! Ang laki talaga ng bunganga ni ate dahil madami ng tao ang nanonood sakanila.

Flower DespairWhere stories live. Discover now