19

44 5 3
                                    
















Eugene's POV

Kung kahapon ay nandito s'ya ngayon ay nandito nanaman, at ang mas nakakabigla ay binigyan n'ya ng kung ano-ano ang mga anak ko. Kahit na nandito ako, Nanay ng mga anak ko binigyan n'ya pa rin. Kung tutuusin ako dapat ang nagbibigay ng mga ganong bagay sa mga anak ko. Pero dahil nandyan at ginagamit na ng mga anak ko. Wala na akong magagawa!

Pagpapasalamat na lamang ang kailangan ko. Dahil malaking tulong na iyon sa pangalawa kong anak, na sana makaraos din ang anak ko sa high school. Habang ang panganay ko ay sana makaraos din sa kahirapan ng trabaho.

Nasa tamang trabaho ang anak ko. Ngunit hindi sapat ang kinikita n'ya, t'wing umaga ay tinitipid lamang n'ya ang pera makaluwas lamang dahil sa layo ng trabaho. Kahit na parte pa rin ng Maynila, ay napakalayo pa rin non sa tinutuluyan namin.

Tok!

Tok!

Tok!

Tumigil ako sa pag gagayat ng pagbuksan ko ang taong iyon. Landlady lang pala namin, hindi na ako nag atubli na ibigay agad ang renta.

" Sa wakas ay may nagbayad din. Mabuti pa kayo, literal na nagbabayad hindi tulad ng iba d'yan. Ipagpatuloy n'yo lang yan, aangat din kayo sa buhay! " sabi pa ng landlady namin.

" S-sige ho! " kamot kong sabi.

Ano ba naman iyon. Maniningil lang humuhugot pa! Kakaloka! Isasara ko na sana ang pinto ng hawakan ni Lane kamay ko. Nabigla ako kaya't tinanggal ko agad kamay ko.

" Ah sorry, di' ko sinasadya! Uuwi na din kasi ako. Sorry at di' rin kita masasamahan. Mag-isa ka lamang dito! " sabi nito sa'kin.

Mabuti na lang ay mabilis ang pangyayare at hindi ako nailang. Mabuti na lang din, ay hindi n'ya nakita ang mapula kong mukha. At sa wakas makakauwi na rin s'ya.

" Okay lang, kaya ko naman ang sarili at ang pamilya ko. " nakangiti na saad ko. Hindi ko alam kung saan paraan ako napangiti. Kung kaya't nahiwagaan nanaman ako sakanya na nakatulala sa'kin.

Wtf?

Nagagandahan paba siya sa akin? Sa ganitong edad ko?

Hindi ko alam kung matutuwa oh kikiligin ba ako!?

" Basta maglock kayo ng pinto. Huwag din kayo basta basta magpapa-pasok ah? Baka mapaano kayo! "

" Nako naman sir, hindi po! Huwag po kayo mag-alala trust me. Kahit maraming loko-loko dito sa lugar namin eh nandito padin naman ako bilang Nanay. " sambit ko.

Napangiti s'yang napatingin sa lupa bago s'ya lumingon sa'kin. " Ingat kayo ah? "

" Hmm! " ungol na sabi ko dito. Nang makapasok naman siya sa kotse ay kinayawan ko na lang ito.

Bigla na lang ako napabuntong hininga nang mawala sa paningin ko ang kotse. May nagsasabi sa akin na gusto ko pa s'ya makita at makasama. May nagtutulak sa'kin na gawin ko iyon pero hindi ko magawa gawa pag nandyan siya.

 
***
 

Francine's POV

Tanghali pero wala ako sa karinderya kundi nasa canteen ng pinagtatrabahuhan ko, konti lang kami pero ayos na din dahil nakakapag kwentuhan naman ako sa kasamahan ko. Dinaldal lang naman nila ako, pero gayun din naman ako sakanila.

Tumayo na ako dahil tapos na ako sa kinakain at para na din makapag bayad. Ganito, na ang nakagawian ko pag dito sa canteen ako kumakain.

Kinuha ko ang tray at nilagay iyon sa tamang lugar. Matapos ay nagbayad ako sa counter.

Flower DespairWhere stories live. Discover now