22

30 3 1
                                    

* Magpapaligaw na sana ako sayo eh! * Mommy Eugene in 2023





Eugene's POV

Kinabukasan, ng magising ako, ay nabigla ako sakanya na nag luluto na, while his son is on couch at nagsecellphone. What's wrong with this guys? Naging feel at home agad sila at kung ano-ano pa ang ginagawa. My goodness! Mukhang ramdam naman n'ya na nandito ako kaya't lumingom siya upang batiin ako.

" Good morning, beautiful, gising kana pala? kumain kana at luto na ito. " nakangiting pagbati n'ya sa'kin. Naks! pagwapo ah? gwapo na nga smosobra pa.

Paano naman ito?

Baka lalo naman akong mahulog sakanya.

" Good morning din, " nakangiti na bati ko.

" Terrior, anak kain na, " sigaw naman n'ya sa anak.

Wala ang dalawa kong anak, dahil pumasok sa eskwelahan habang ang panganay ko ay naghahanap naman ng trabaho. Minsan lang naman, ako humiling pero sana ay huwag naman n'yang kalimutan anng sarili dahil lang sa matulungan ako.

Minsan ay ako na din ang nahihirapan sa anak ko.

Kumain kami ng tahimik, walang imikan at kutsara lang ang maingay. Hindi ko s'ya pinapansin dahil awkward ang stiwsyin ko. Kailan naman kaya s'ya uuwi kasama ang anak?

Nagpresinta lang naman s'ya na dito matulog dahil sa nangyari sa bahay ko. Pero parang wala na s''yang balak umuwi. Jusko na mukha iyan nakaka inlove naman.

" Pwede ko bang, kunin ang anak mo bilang maging modelo ng isa kong kompanya? "

" Huh? pero bakit? "

" So that i can help, isa pa ay malaki na ang bagay na iyon para maka ahon agad kayo sa kahirapan. Right? " sabi niya sa'kin na ikinabigla ko. Jusko isa pa ay sobra sobra na iyon. Mag-sasalita na sana ko pero hindi pa pala siya tapos. " This is for your own family sake. Isa pa ay mahirap makahanap ng trabaho. "

Sa sinabi n'ya ay nakapag-isip naman ako.

" Sige, pero salamat at ipinaalam mo sa'kin. " nakangiti na sabi ko.

" No worries, naman din Tita at ako ang nag-papatakbo niyon. " sabat naman ng anak n'ya.

" Talaga? nako salamat Terrior. Mabuti na rin ang ganon dahil may makakasalamuha siya na may kakilala. " nakangiti na pag-papasalamat ko.

" She can start today Tita, if she want too." sabi pa sa aki =n ng anak niya.

wala na akong nasabi kundi ang ngumiti na lamang. Alam ko na gusto niya ako at halata ko naman iyon, pero sobra sobra ang ginagawa niya para makaranas kami ng ginhawa sa buhay. Siya pa ang tumutulong sa'min para lag may mapasok kaming trabaho, but he also gave scholarship to my younger child.

Lahat iyon, pinapasalamatan ko bilang Ina.

Pero may nag uudyok sa'kin na hindi sapat ang pasasalamat ko. Kundi ay dapat may gawin ako!

I'm totally healed already especially my heart kaya naman. Dapat tama ang timing ko sa gagawin ko. Dahil ngayon pa lang maglalakas na ako ng loob. " Lane, siguro naman na di' ka halatado sa mga ginagawa mo. Nakukuha mo ang loob ko eh. "

Nabigla naman siya sa mga sinabi ko.

Tumingin siya sa'kin at parang nagmamaang maangan pa. Nginitian ko naman siya na ikinapula niya. Sabi na nga ba eh!

" What are you trying to say? That i'm inlove with you? No way! " sabi n'ya habang namumula ang mukha. Gusto ko matawa ngunit pinigilan ko lamang, bakit ang cute n'ya? Na sa ganitong edad ay nagagawa n'ya pa rin ang bagay na iyon.

Flower DespairWhere stories live. Discover now