10

83 27 3
                                    












Francine's POV

" Francine, " sambit ni Terrior ng makita ko siya.

" Terrior, " bigla ko na lamang na sambit.

Nang makita ko siya ay parang tutulo na ang mga luha ko. Oo inipon ko ang iyak ko, pero wala akong nagawa kundi ang magpa katatag.

Tinignan ko siya

Tinignan niya ako na mismong nag aalala at may bahid sa mga mata iyon.

Lumapit ako dito at kinausap s'ya para kahit papaano naibsan na ang lungkot ko. " Kumusta? "

Ipinamulsa niya ang dalawang kamay atsaka nagsalita. " Ayos lang! "

Batid kong nagkakahiyaan pa kami kaya't walang may gumagalaw sa amin kahit magkaharap. " Hindi na ako magtatanong alam kong malungkot ka. Pero nandito ako para punasan ang mga iyan. " sambit ni Terrior.

Batid ko pa na malungkot siya at nakikita ko iyon sa mga mata niya.

" Salamat! " na sabi ko na lamang,

" Terrior! " nabigla si Terrior at nilingon ang taong iyon.

Sino yun?

" Troy? Ano ginagawa mo dito? " Troy? Isa siguro sa mga kaibigan niya ito. Masyado na kasing madilim kaya hindi ko ito mamukhaan!

" Nandito ako para sa kaibigan mo. Pwede ko ba siyang mayakap? " what the heck? Nag iisip paba siya?

" H-huh? Hindi pwede, hindi kita kilala! " mabilisang sabi ko. Iniwagwag ko pa ang kamay ko na bawal at napa atras nang kaunti.

" Pero kaibigan ako ni Terrior, " nakangiti na sambit nito.

Napabuntong hininga ako.

Ano ba ito! Kung sino sino na lang ang kinakausap ko. Lalo na ang lalaking ito! Hindi ko siya kakilala pero gusto akong mayakap.

Ano siya gold?

" Kuyang mama hindi kita ki-- " hindi niya pinatapos ang sasabihin ko ng higitin niya ako at niyakap.

Dahan dahan ako napatingin kay Terrior, at bakas sa mukha niya ang gulat nang gawin iyon nang kaibigan niya. Pero sa nababasa ko sa mata niya ay kakaiba!

Hindi ko ramdam ang pagtulo ng luha ko. Masyado akong nagpapaka-busy para maibsan ang lungkot ko! Pero dahil sa ginawa nang lalaking ito ay napaiyak na lamang ako. Dahan-dahan kong nilabanan ang yakap niya.

Tumungo ako sa balikat niya at iniyak lahat doon. Walang pakielam ang taong ito kung mabasa ko ang damit n'ya, kaya't sa sobrang iyak ko ay mas humigpit ang yakap nito at nakukuyom ko ang damit nito.

Ramdam ko ang mga kamay nito sa ulo ko at dahan dahan hinimas iyon. Alam siguro nang lakaking ito kung paano ako paiyakin! Pero ang masasabi ko lamang ay napabilib niya ako. Sino ba ang lalaking ito?

" Tahan na, " bulong nito malapit sa tenga ko.

Iniiyak ko pa rin ang lahat dahil sa hindi ko pa kaya.

Ako ang unang bumitaw sa yakap at hindi nag alintana na mahiya. Kung sino naman ang taong ito ay nagpapa salamat ako, masyado siya naging espesyal ngayon gabi.

" Salamat, " nahihiyang sambit ko.

Hinawakan niya ang chin ko at iniangat ang mukha para makita ko siya. Nakita ko pa kung paano siya ngumiti upang mamula ako. " I don't like seeing you cry! "

" Salamat pa rin, " pagpapasalamat ko. " Pasok kayo para maasikaso ko kayo parehas. Ah Terrior nandito nga pala si Shaine, baka sakali na gusto mo muna pumasok? " dagdag ko pang sabi.

Flower DespairWhere stories live. Discover now