Walang personalan guys ha? This is just a story. Don't think or say anything bad about me because of this chapter.
If you don't like how i write my story. (Get out.) That's all love you all :*
Third Person's POV
Sa isang bus na papunta sa manila. Ay nakaupo si Alyssa at Jon sa gitna nito. Napagpasyahan ng dalaga, na umuwi na. Ng malaman nya ang nangyari sa bahay nila Rachel at sa pagpatay sa pinsan nitong si Yassy.
Nagiisip ang dalaga sa mga kilos nya. Sa mga nagawa nyang plano. Wala na syang oras. Napanood nya sa isang maliit na tindahan ang pagkasunog ng bahay nila Rachel, at Ang mysteryosong pagpatay kay Yassy.
'Ang tatanga ng mga pulis. Wala silang magagawa. Kahit hindi ko imbestigahan, alam ko na kung sino ang gumawa nun' isip isip ng dalaga.
Seryoso syang nakatingin sa labas ng bintana ng bus. Ng tumingin sya sa katabi nya, na pagewang gewang na ang ulo dahil sa hirap matulog. Napatawa ng mahina si Alyssa habang pinapanood ang binata. 'Ang cute' bulong nito sa isipan nya.
Hinaplos nito ang pisngi ng binata habang nakangiti. Sumandal ito sa balikat nito at bumulong, "Thank you, Jon"
Biglang nagising ang binata at nakita ang dalaga sa balikat nito. Ngumiti lang ito ng matamis at sumandal sa ulo ng dalaga, habang hawak hawak ang kamay nito.
Mga tatlong oras din bago makarating sila Jon sa Manila. Medyo kinakabahan pa si Alyssa ng bumaba na sila ni Jon ng bus.
Napansin naman iyon ni Jon kaya hinawakan nya ang kamay nito. Ngumiti si Jon kay Alyssa na parang sinasabi nito na 'Andito lang ako'
Ngumiti din pabalik ang dalaga at huminga ng malalim.
Bumaba na sila ng bus at pumara ng taxi patungo sa bahay nila Alyssa. Halos hindi makahinga ng maayos si Alyssa, habang iniisip na pupunta sila sa bahay nila. Alam nyang hindi pa sya handa para sa lahat ng ito. Pero kailangan nya ng kumilos bago pa sya mahuli.
Tahimik lang dalawa sa taxi. Tanging ang aircon lang at manibela ang maingay. Magkahawak ang kamay nila at pawis na ito dahil kanina pa nila hawak ang isa't isa. Tahimik lang ang binata at seryosong nakatingin sa daan.
Sumulyap si Alyssa kay Jon. At bumalik ulit ang tingin sa harapan. Nakita na nito na papalapit na sila sa bahay nya.
Kaya napahigpit ang hawak ni Alyssa sa kamay ni Jon. Napansin naman iyon ng binata kaya lumingon ito kay Alyssa.
"Alyssa.."
Lumingon ang dalaga sa binata. "Pag natapos mo na to.. magusap tayo about naman satin" nagtaka ang dalaga. "Satin?"
Tumango ang lalake at tumingin sakanya. "Oo, about satin. 'Satin' "
Mukhang naintindihan naman ng dalaga dahil namula ito. Dahan dahan itong tumango. Ngumiti ang binata. At tumingin na sa bahay ni Alyssa. "Were here.." bumugtong hininga si Alyssa.
Lumabas sila ni Jon, "Kailangan mo pa ba ako dito?" Tanong ng binata kay Alyssa na halos pipisain na ang kamay nito. Tinitigan sya ni Alyssa. 'Kung pwede ko lang sana sabihin na wag ka umalis' lumunok ito. At hindi makapagsalita.
Bumugtong hininga ito. "Pagod ka na Jon.." pilit na sabi ni Alyssa.
"Hindi naman ako mapapagod basta kasama kita ei..." agad na umiwas ng tingin si Alyssa kay Jon. Natawa ang binata at nagsalita. "Manong. Ito ho bayad namin." Nagulat naman si Alyssa at napalingon sa taxi na umalis at sa nakangiting si Jon. "Jon.."
BINABASA MO ANG
7th Section(Completed)
Mystery / ThrillerIsang section kung saan sikat na sikat at hinahangaan ng lahat. Ay magkakaroon ng isang lagim, na hindi alam ang dahilan. Kung saan ipapaparamdam ang paghihiganti. Galit. Kalungkutan. at Pagkamuhi. Sino nga ba... Ang tunay na Demonyo? A first my...