Yassy's POV
"Nay, andito na po ako.." hinubad ko ang sapatos ko at nilagay sa gilid ng harap ng pintuan. "Nay?" Wala pa ata si Nanay. Baka namalengke. Haii.. nakakapagod magtrabaho, pero kailangan. Wala kaming kakainin pag hindi ako nagtrabaho.
Tama lang ang pera namin ni Nanay. Sa kuryente, tubig, renta sa bahay, sa school ko at sa pang araw araw naming pagkain. Pumunta ako sa kwarto at nagbihis, humiga ako at kinuha ang cellphone ko.
Ito ang cellphone na niregalo sa akin ni Rachel. Nung una nga ayaw ko tanggapin kasi nakakahiya. Pero sabi nya tanggapin ko na daw para daw madali nya akong macontact.
Chineck ko lang ito at inilagay sa lamesa ko. Pinikit ko na ang mata ko. Matutulog na sana ako ng may narinig akong mga tunog sa bintana.
Dinilat ko ang mata ko at nakitang bukas na ang bintana.
Binuksan ko ba to? Tumayo ako at sinarado ang bintana.
ng may narinig akong naglakad sa likod ko. "Nay ika- ugh!" Naramdaman ko ang tulis na bumaon sa tyan ko. "S-sino ka.." ngumisi lang ito.
Nakita kong tinaas nya ang ice pick. "Ma-maawa k-a..."
Hindi nya ako pinakinggan at binaon sa lalamunan ko ang ice pick.
"Rest In Peace...."
"Yassy.."
Mamamatay na ako...
Paano na ang nanay ko....
Nakita ko syang naglalakad paalis ng kwarto..
Bakit mo to ginawa sa akin...
Naramdaman ko na ang dugong lumalabas sa bibig ko.
At unti unting pumipikit ang mata ko.
Nay...
Rachel...
Sorry..but i think i can't be with you anymore.
Rachel's POV
Ano ba kasing ginagawa ni Kahisa dito? Ng sumakay sya ng elevator. Tinakpan ko ang mukha ko ng dala kong scarf para di nya ako makilala.
BINABASA MO ANG
7th Section(Completed)
Misterio / SuspensoIsang section kung saan sikat na sikat at hinahangaan ng lahat. Ay magkakaroon ng isang lagim, na hindi alam ang dahilan. Kung saan ipapaparamdam ang paghihiganti. Galit. Kalungkutan. at Pagkamuhi. Sino nga ba... Ang tunay na Demonyo? A first my...