Chapter Eleven

1.4K 49 0
                                    

Eleven AM

Daniel Padilla's POV

Badtrip tsk. Sino ba kasi yung Quen na yun. Hindi hamak na mas malaki ang agwat namin pagdating sa ka-gwapuhan.

"Hoy, Daniel. Ano problema mo?" Sabi sakin ni Seth. Nasa harap parin kami ng bahay nila Chandria.

"Tsk. Kung hindi kayo dumating, pahamak kayo eh." Sinamaan ko sila ng tingin.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni katsumi.

"Wala." Sumakay na kami sa sasakyan ko.

"Ayun yung Quen diba?" Tanong ni Lester.

Napatingin naman ako sa lumabas sa gate nila Chandria. Tsk, so close talaga sila?

"Oh, kasama si Kathryn oh." Nakahawa pa s'ya sa braso nung Quen na yun ha.

"Oh, bassist baka may nakakaramdam ka d'yan na selos sa dibdib mo." Sabi ni Seth at nagtawanan sila. 'Bassist' ang tawag nila saakin dahil ako ang bassist sa parking five.

"Mga siraulo." Pinaandar ko na ang sasakyan at sinundan ang sasakyan na sinakyan nila Chandria.

"Oh, bassist saan tayo pupunta?" Tanong ng katabi ko na si JC.

"Manahimik kayo." Sumunod naman ako sa sasakyan at hanggang sa makarating sa isang hospital.

"Ba't sila andyan?" Kats.

"Babain mo kaya bassist." Sinamaan ko naman ng tingin si Seth.

"At ano naman gagawin ko sa hospital ha?" Sabi ko.

"Sabihin mo pag nakita ka nila nagpa check-up ka kasi kakagitara mo naputol kuko mo. Sabihin mo kung pwede ipagawa ulit." Non sense. Kahit kailan talaga 'tong Seth na 'to.

"Kuya, sabihin mo nalang na hindi ka makatulog kasi laging nasa isip mo si Kathryn." Sabi ni JC.

"Ohhh! Iba ka na talaga JC." Sabi naman nila.

"Magsi tahimik kayo." Sabi ko.

"Ganito nalang bassist." Tumigin naman ako kay Katsumi.

"Ano yun?" Sabi ko.

"Gusto mo ba si kathryn?" Napatahimik naman ako.

"Hindi ko alam." Nagtawanan naman ang mga loko.

"Siraulo. Umalis na nga tayo mukhang wala ka naman pala gusto." Sabi ni Lester.

"Teka lang." Sabi ko at natahimik sila.


"Kain muna kaya tayo d'yan sa loob?" Nanlaki naman ang mata nila.


"Baliw ka ba? Saan tayo kakain ulit?" Sabi ni JC.


"D'yan sa hospital." Sabi ko.


"Siraulo ka. Hospital yan hindi yan restaurant." Sabi ni Katsumi.


"Guys, listen okay?" Tinaas ko na ang dalawa kong kamay.


"Sayang ang gas ko papunta dito sa hospital." Nag nod naman sila.


"Kung wala naman pala tayo gagawin dito. Kaya ienjoy na natin." Napahawak naman sila sa mga noo nila.

"Baba na guys." Sabi ko.


"Hayy, bassist." Bumaba na sila at sumunod ako.


Pumasok na kami sa loob at nakita namin si Chandria.

Tumigin s'ya saamin na gulat na gulat at lumapit saamin.

"Ano ginagawa n'yo dito?" Sht. Hindi ako nakapagsalita agad kaya naman tinuro ako ng parking five.


"Oh, Padilla ano ginagawa mo dito?" Ang taray talaga ng babaeng 'to.


"Wala naman. Nagpapalamig kami dito eh. Ikaw, ano ginagawa mo dito?" Napataas naman ang kilay n'ya at nagtawanan naman ang p5.


"Nag pacheck-up. Teka, wala ba kayong aircon sa bahay n'yo?" Sabi n'ya.


"Meron naman kaso nagtitipid kami sa kuryente." Napailing naman ang p5.


"Ano nanaman bang trip yan Padilla?" Tsk.

"Kakain kasi kami dito at magpapalamig." Nanlaki naman ang mata n'ya.


"Ano? Kailan pang naging restaurant ang hospital? Oo, may canteen dito pero ba't dito pa kayo kakain?" Naningkit ang mata n'ya.

"Sabi kasi ni Seth, masarap ang dinuguan dito." Napatingin naman sakin si Seth na nanlaki ang mata. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.


"Ah. Oo, Kath masarap daw. Actually, specialty daw nila dinuguan dito hehe. Diba Kats natikman n'yo rin." Sabi ni Seth.

"Ha? Oo, Kathryn. Masarap nga natikman nga rin ni JC eh." Tumingin naman ng masama si JC.


"Tikim lang kasi di ko ano eh.. Di ko type. Si Lester favorite yun." Ano bang sinasabi ng mga 'to.


"Oo, gusto mo Kathryn libre ka namin?" Napatawa naman kami.


"Lalakas naman ng trip n'yo." Bigla naman nakita namin yung Quen at inakbayan si Chandria.

"Oh, andito pala sila. Paano mga pre, una na kami." At tuloy tuloy na sila lumabas.


Tinapik naman nila ang balikat ko. "Pre, tikman nalang natin yung dinuguan na sinasabi mo." Sabi ni Seth.


Malay ko bang may dinuguan dito. Tsaka gawa gawa ko lang yun.


"Oo, nga pre. Parang nagutom ako gusto ko tuloy ng dinuguan." Sabi ni Lester.


Pumunta kami sa canteen at may dinuguan nga.

"Ate saan gawa yang' dinuguan n'yo?" Tanong ko.


"Ah, sir d'yan lang po sa likod ng morgue." Nanlaki naman ang mata namin.


"Ay, sir malinis po ito. May farm po kasi sa likod ng morgue pero sir malayo sa morgue." Sabi naman n'ya at nakahinga kami ng maluwag.


"Sure ka ba ate?" Sabi ni JC.


"Oo, sir. Tsaka ano ba naman kayo mga iho, gawa 'to sa baboy 'no po at galing sa kilalang poultry farm at hindi sa iniisip n'yo." Tsk. Malay ba namin malay mo gawa pala sa ano..


"Ayun naman pala eh. Sige ate limang order at sampung kanin." Sabi ni Lester.


Napailing nalang ako. Tsk, kainis talaga yung Quen na yun. Teka, sila ba ni Chandria? Grabe, laking gwapo ko dun ah.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon