Twelve AM
Kathryn Chandria's POV
Andito kami ngayon sa Auditorium kasama 'tong badboy na 'to. Tinatapos nalang naman kasi namin yung ipapakita namin sa talent show namin.
"Ready ka na ba? Or mamaya nalang?" Kakatapos lang namin ng isang buo.
"Maya na aba." At umupo muna ako.
Di ko lang maisip na 'tong badboy na 'to ang nakaisip ng talent namin.
Biruin mo kakanta s'ya at ako magsasayaw, yung pangbroadway. Yung parang music video ni Ed Sheeran sa thinking out loud. Hindi naman hiphop ang sasayawin namin yung parang music video nga nung thinking out loud. Hayy, ano ba 'to nakikipag away na ba ako sa sarili ko? Tsk.
"Ba't ba ang sungit sungit mo." Tas hinilamos n'ya ang kamay n'ya sa mukha n'ya.
"You. You don't care." And rolled my eyes.
"Look, Chandria ano ba ginawa ko sayo? Owe me a lot." Tsk ayan nanaman s'ya owe na yan.
"Thank you ha." Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.
"Boyfriend mo ba talaga yung Quen na yun?" Napataas naman ang kilay ko.
"Mas laking gwapo ko naman dun." Pabulong na sabi n'ya. Hindi naman ako silly para di ko marinig.
"Duh." I rolled my eyes again.
"Ano ba yan hindi ba nahihilo yang mata mo? Lagi mo nalang iniikot nang inikot." Hayy napakapilosopo talaga nito.
"Wala you care." Na ningkit naman mata n'ya.
"Alam mo ang sungit sungit mo tapos ang conyo mo. Oh, saan ka pa?" Sinuntok ko naman ang braso n'ya.
"Bakit ba ang taray mo Chandria?" Napatingin naman ako sakanya at seryoso naman ang mukha n'ya.
Sinenyasan ko naman s'ya na ilapit ang tenga n'ya at binulungan s'ya.
"KASI HINDI KAYA MAG TWERK NG DINOSAUR!" Sigaw ko sa tenga n'ya.
Napahawak naman s'ya agad dito at tumingin nanaman sakin na sobrang sama.
"Ano ba yang pinagsasabi mo. Non-sense." Napailing naman s'ya.
"Kung magtutwerk ba ang dinosaur di ka na magsusungit?" Napatingin naman ako sakanya.
"Hmm.. Siguro?" Hindi naman kasi talaga kayang magtwerk ang isang dinosaur at wala nang nageexist na dino 'no.
"Sige kapag may nagtwerk na dino, manliligaw ako sayo." Nagulat naman ako. Ano nanaman ba ang trip nito.
Siguro wala naman magtutwerk na dino. "Tsk, sige ba." At tinaasan ko s'ya ng kilay.
Nagpractice nalang ulit kami at pagkatapos ay bumalik sa classroom dahil may mga quiz pa kami sa iba't ibang subjects.
-
"Sigurado ba kayo na naglilinis kayo at tinutulungan si Ate Meding?" Tahimik lang kami nakaupo sa sofa habang paikot ikot si Ate Jodi.
"Yes po." In chorus namin sabi.
"Simula ngayon gusto ko sumunod kayo sa mga sasabihin ko." Ayan na gagawa na yan ng kanyang sarailing rules.
"Yes." Walang ganang sabi namin.
"First, Bawal magpapasok ng lalaki dito sa bahay na 'to. Except s'yempre sa family n'yo, kay Quen and sa drivers." Whatever.
"Second, 9 am sleeping time." Ano pa ba magagawa namin kaya nag nod nalang kami.
"Third, curfew time 6 pm. Hanggang 6 pm lang din kayo pwede tumanggap ng bisita like mga iba pang friends n'yo. Except din sa family n'yo." Hay, sige lang.
"Lastly, no boyfriends hanggat hindi alam ng parents n'yo." Nanlaki naman ang mga mata ni Julia.
"Lahat ng nangyayari dito ay nakareport sa parents n'yo. Maliwanag?" Nag nod nalang kami.
"Sige umakyat na kayo at maggagabi na." Tumingin naman ako sa watch ko at 8:30 na.
Bago kami umakyat nagusap usap muna kami nung nakaalis na si Ate Jodi.
"Girls, kaya natin 'to okay?" Sabi ni Aria.
"Paano na yan wala ng gimmicks? Derecho uwi na agad." Sabi ni Chassy. Saakin walang problem sa gimmicks dahil hindi naman ako pala gimmick.
"Wala na tayong magagawa kung hindi sumunod nalang or else irereport tayo." Sabi ko and we sighed.
"Paano nalang ako madadalaw ni JC?" Sabi ni Julia. What? JC? Yung sa parking five?
"Eh lalo naman ako ni Seth." Sabi ni Mandy.
"Pati ako ni Lester." Sabi ni Chassy.
Tinignan ko naman si Aria. "Wait. Wala akong lovelife ha? O kahit connection d'yan sa parking five na inisa isa n'yo na." Napailing naman ako. Talagang nagkakamabutihan na sila ng parking five ah.
*Ding.dong.ding.dong*
"Omg, baka ang parking five yan." Sabi ni Chassy.
Omg, dead meat kami kay Ate Jodi.
-
A/N: New stories ko po 'Star in the Sky' and 'Bakit Kelangan Mahalin Ang Kapwa'

BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
FanfictionI decided to put here the NEW PLOT of Arranged Marriage. Thanks and Enjoy Reading.