Step 6

30 3 7
                                    


Mas naging mabilis ang mga linggo dahil masyadong naging abala ang lahat, kasama syempre ako, sa paghahanda sa concert ng infinite. Tuwing may practice sila sinisigurado kong andoon ako para maasikaso ko si Hoya. Oo na. Sobra ko na talagang pinaninindigan 'tong pagpapanggap na ito. Siguro nga pag dumating 'yong oras na dapat na naming sabihin sa lahat na peke lang 'to eh baka sobra sobra akong masaktan.

Sobrang seryoso na ko sa kanya. Sobra ko na yata syang mahal.

Naramdaman kong may umakbay sa'kin. Napatingin din ako kung sino kahit medyo pamilyar 'yong amoy. Gusto ko lang talaga masigurado.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ng isang napakagwapong nilalang na nakasando habang pawis na pawis.

"Wag kang ganyan ang hot mo!"

Tumawa sya dahil sa sinabi ko.

"Ha?"

Sh*t! Nasabi ko pala talaga? Nakakaiyak! Nakakahiya!

"Wala. Joke lang yon! Ha-ha-ha?"

Mas lalo syang tumawa.

"Ah, kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya para madivert 'yong attention nya.

"Oo pero konti lang. Bawal ako kumain ng masyadong madami eh. Ikaw?"

"Ah oo. Kanina. Tapos na ba kayo magpractice? Ok ka lang ba? Tubig? Towel? Gusto mo?"

Hinanap ko 'yong towel sa bag ko inabot ko sa kanya.

"Salamat!"

Tumingin ako sa malayo at huminga ng malalim. Alam kong narinig nya yon. Kaya malamang pagkabilang ko ng 2 seconds magtatanong 'yon ng bakit.

1

2

"May problema ka ba?"

Oh diba? Hindi bakit 'yong tinanong nya pero ganon na din 'yon.

"Wala naman. Iniisip ko lang, Kailan kaya dadating 'yong panahon na kailangan na natin aminin na hindi talaga tayo."

Nakita kong tumingin sya sa'kin kahit hindi ako sa kanya nakatingin.
Nakatingin pa din ako sa mga bituin sa langit.

"Bakit? Gusto mo na bang sabihin 'yong totoo? Nahihirapan kana ba? Gusto mo na bang tapusin?"

Hindi. Ayoko ngang tapusin eh. Gusto ko tayo lang. Tayo pa din. Kaso 'yong hindi na kunwari. 'Yong hindi na pagpapanggap. 'Yong totoo na.

"Hindi naman. Ayoko na ngang matapos eh. Kasi nageenjoy ako. Nageenjoy ako na kasama sila, sa mga ginagawa natin. Pati nga 'yong feelings lumalalim eh. 'Yong tipong dati gustung-gusto lang kita, pero ngayon mahal na kita. Yung mga ganon ba. Nakakatakot lang na dumating 'yong panahon na matatapos na lahat 'to. Malalaman na ng lahat, masisira na lahat. Magkakalayo na ulit tayong dalwa. Tapos babalik 'yong dati na wala kang pakialam sa'kin. Pero syempre, may buhay ka din naman na iyo. May buhay ka din naman na dapat asikasuhin. May career ka din naman na dapat gampanan. Kaya tanggap ko din naman. Alam ko din naman na hindi magtatagal 'to. Hindi ko lang alam kung gaano ako masasaktan. Pero alam kong sobra. Sobra-sobra akong masasaktan pag tumagal pa 'to."

_

Dumating na ang araw ng concert nila. Isang part lang naman ang exposure ko dito kaya ok lang.

"Ms. Via, Hoya, Dongwoo stand by na po ah."

After ilang minutes unti-unting tumaas yung platform kung saan may bench na inuupuan namin.

Unti-unting bumukas ang ilaw at nagsimula na silang kumanta.

Sa dulo ng kanta, naiwan ako at si Hoya sa gitna ng stage. Eto 'yong part na kunwari may binubulong sa'kin si Hoya tapos mamamatay na bigla 'yong ilaw.

Unti-unti nang lumapit sa'kin si Hoya habang hawak namin ang kamay ng isa't isa.

"Gusto na din kita Via." Bulong nya sa'kin na lubos kong ikinagulat.

Pero bago pa man ako makapagsalita at bago pa man mamatay ang ilaw, lumapit sya mukha ko at nakaramdam nalang ako ng labi sa labi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Making Hoya Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon