Step 5

65 4 1
                                    

Author's Note:

Please read again the step 4 before reading this part. Nagkaroon ng conflict last time when I published step 4. Naayos ko na sya pero hindi ko alam kung ayos naba talaga. Haha
Lagi nalang pinuputol ni wattpad ang update ko. Mianhe!
_

Third Person's POV

"Manager! Manager! Manager!" Pangungulit na tawag ni Woohyun kay Manager Ella na sobrang busy sa pagaasikaso ng kung anu-ano dahil may nalalapit na concert ang infinite.

"Ano?!" Tulirong sabi pa rin ni Manager Ella habang may dinadial pa sa phone.

"Pinapatanong ni Hoya kung pwede daw pumunta si Via?"

Saglit na napatigil si Manager Ella na tipong nagiisip.

"Cge. Pero sya lang." Sabi nya at may kinausap na sa phone.

Nagpapractice sila ngayon para sa concert.

Bigla nalang sinabi ni Manager Ella iyon sa kanila at 1 month nalang ang preparation nila para dito. Kung tutuusin ay napakabilis lang ng preparation nila para dito pero sa tingin naman nila ay kaya nila itong gawing maganda.

Pumalakpak ang manager na parang sinasabing 'be ready na'. Agad silang pumwesto at nagsimula na ang practice.

After 1 hour ng continuous practice ay nagbreak sila. Sakto namang dumating si Via na may dalang mga pagkain.

Bago sya pumunta dito ay nagisip sya ng paraan kung paano makakabawi sa mga ginawa ni Hoya sa kanya. Kaya kahit sa simpleng pagdadala man lang ng pagkain ay magawa nya. Tutal dapat din naman syang umasta na parang totoong girlfriend ni Hoya sa harap ng members.

Umupo sya sa tabi ni Hoya at pinunasan ang pawis nito.

Mukhang sumakay lang din naman si Hoya at hinawakan din nito ang kamay nya.

Bumalik na ulit sila sa pagpapractice at naiwan lang si Via na nakaupo sa gilid.

Nanonood lang sya ng biglang tumabi si Manager Ella.

Napalingon sya at sinenyasan sya nitong lumabas.

Naiwan sa loob ang choreographer at ang infinite.

"Via, I need you to broadcast your relationship on the concert." Salita agad ng Manager.

Saglit na nagisip si Via.

"Bakit?"

"Lahat ng tao, gustong malaman ang real score sa inyo. Remember, rumors palang ang nakalat tungkol sa inyo at hindi pa confirmed. So kapag lumabas sa advertisements na isa ka sa special guest, maraming maiintriga at pupunta. Malaking tulong ka Via."

'Malaking tulong ka Via' Iyan lang ang tumatak sa isip ni Via. Naisip nya agad ang gusto nyang magawa para kay Hoya. Baka ito na yon. Syempre makakatulong din sya kay Hoya kapag ginawa nya 'to.

Tumango sya bilang pagpayag.

Nagpasalamat naman sa kanya si Ella at sinabi kung ano ang mga gagawin nya.

Sya daw ang magiging babae sa kantang 'Pretty' nila Hoya at Dongwoo.
Kahit papaano ay natatakot si Via dahil baka hindi maging maganda ang reaction ng fans ng infinite sa relationship daw nila ni Hoya.

_

Via's POV

"Anong sabi sayo ni Manager?" tanong sakin ni Hoya. Sobrang lapit nya sakin ngayon at medyo... Medyo lang naman ah... Medyo kinikilig akooo! Hihihi!

Nabulong sya sakin ngayon at magkalapit yung mukha namin. Tapos yung kamay nya nasa sandalan ng upuan ko kaya para syang nakaakbay sakin. Ang sweet lang diba? Nagpipigil na nga lang ako ng irit ko eh.

Making Hoya Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon