Chapter 3

52 5 0
                                    

Pinatay ni Gabrielle ang gripo at hindi pinansin ang lalaki. Nakaharang ito sa pinto papuntang sala kaya sa pinto papuntang likod ng villa siya lumabas. She doesn't have the strength to argue with him. Naramdaman niya ang lamig ng gabi kasabay ng kalam ng kanyang sikmura.

Damn. Im freaking wet. Saan ba pwedeng mabilhan ng cup noodles dito? Sa isip niya.

Nakalabas siya ng villa nang walang nakakakita sa kanya. Not that she's hiding; they are just busy talking and making fun with each other.

Malayo na rin ang nalakad niya ngunit wala parin siyang makitang tindahan. Naaamoy na rin niya ang simoy ng dagat. Marahil malapit na siya sa dalampasigan.

She's right. Kalahating kilometro nalang ay dalampasigan na. May iilang tao rin dito na nagcacamping. May ilang nag-iinuman at may ilang naglalandian. Ngunit wala siyang makitang kainan. Kanina pa siya naglalakad ng makita niya ang isang lalaking nag-iihaw marahil ng isda. Malayo ito sa grupong nagkakasiyahan, kung hindi nakaharang ang malaking bato ay marahil kanina niya pa ito nakita.

Lumapit si Gabrielle dito. Kanina niya pa gusto magtanong sa mga tao sa may dalampasigan kung saan ang may kainan ngunit natatakot siyang mapagtripan lalo na pareparehas itong nag-iinuman.

She doesn't know how to approach the man na nag-iihaw, nakatalikod pa ito sa kanya. Basta na lang niya ito kinalabit.

"Oh, crap! Ouch. Damn it. Heey!" Humarap ito sa kanya. She was mesmerized by its blue eyes na naiilawan ng posteng sa likod niya. Hawak nito ang kamay na marahil ay napaso sa pagkagulat sa kanya.

"Sorry po. Magtatanong lang po sana kung saan ang pwedeng kainan dito?" She avoids his mesmerizing and scrutinizing eyes.

"Aw, I don't know kung may bukas pa ngayon. May fiesta kasi sa kabilang bayan kaya alas syete palang ay nagsara na ang mga kainan dito. Why, are you lost?" Sabi ng binata.

Napangalas siya sa talas nitong magtagalog kahit di mo mapagkakailang banyaga ito. "No." Sagot niya sa tanong nito.

"Great, I mean, why you don't join me for dinner. Malapit na maihaw itong isdang nahuli ko." He smiled at her, showing his two deep dimples on his blushing cheek. How can someone be cute and manly at the same time? "Im Ethan by the way. Bakasyunista, my villa is just 500 meters from that sign." He pointed the la Lacares Villas sign. "Okay, madaldal ako, one of my charms." He smiled again.

Presko. Sa isip niya. Mukha naman itong mabait kaya umupo na lang siya sa bato di kalayuan sa ihawan nito.

"Woah, gutom ka talaga no? May I asked your name, dinner buddy?" Tanong nito sa dalaga. He was instantly amazed by her cold charm. Niyaya na niya itong sabayan siyang kumain pero wala man lang thank you siyang narinig dito. He knows how good looking he is, he don't need to brag it because everyone can see it. He's just not used to someone ignoring his fine physique and handsome face. And for crying out loud he is shirtless. His perfect hot six pack abs are ready to be admired and touch. But his beauty was completely ignored. He just laughed at himself.

"Gabrielle." Narinig niyang sagot nito.

"Really? You have the same name as my brother. Mind if I call you Elle? That jerk is a control freak kaya ako nagbakasyon muna para makahinga and forget how an asshole he was. But hey, I'm not taking out my anger to you, just wanna have fun."

Nakatitig lang si Gab sa lalaki. Bakla ba ito? Tanong niya sa sarili niya. Ang ingay nito at di siya sanay sa taong panay ang kausap sa kanya.

"Okay." Yun na lang ang sinagot niya. Ethan just laughed at her respond. Napakunot ang noo niya sa pagtawa nito.

"Not fan of talking huh? Anyway, come. Luto na ito." And he genuinely smiled at her. Pinaghainan rin siya nito as he continuously talked about himself. She can't get herself irritated towards him, in fact she finds him adorable.

"...and when I'm about to catch this fish without the fishing rod, pumasok ito sa loob ng shorts ko. Haha, it fell right into my trap."

Binababa ni Gab ang tinidor na may nakatusok na laman ng isda na dapat ay isusubo niya. Tiningnan niya ng masama si Ethan.

"Hey, why? Masarap naman 'tong isda ah. There, I've shared my secret recipe to you." He laughed. Nonstop.

Nakatingin lang si Gab sa lalaki. Ang babaw ng kaligayahan ng lalaking ito. Something formed in her lips and she don't know why kung bakit ito biglang tumigil.

"You smiled! Oh my god, you can smile!! I'm great; I thought I can never make you smile. With all the silly stories I've told you, I thought you'll keep up your poker face. But you smiled. God, I think I just found myself a job! Hey, dinner buddy, smile again!"

Gab doesn't know what he is talking about but she just found herself someone that she can actually call a friend.

"I don't know what you're talking about. Salamat sa pagkain." Dumukot ito ng barya sa bulsa niya at nilapag sa mesa nito. "Bayad ko po."

"17 pesos? Grabe ka. Inihaw na bangus yan uy! With Ethan's specialty pa! How about your friendship and your cp number?"

Tiningnan niya ito ng matagal. Nanatili itong nakangiti sa kanya.

"Fine. Bye." Sagot niya.

"Huh? Fine? Asan cp number mo? Di mo naman binigay eeeh." Parang batang pagmamaktol niya.

"Di ko kabisado. Di ko rin dala." Wika niya rito. Tinitigan lang niya saglit ang nagmamaktol ngunit gwapong mukha nito. The corner of her lips raised a bit at naglakad na rin siya pabalik ng resort. Ngunit di pa siya nakakalayo ay sumigaw ito.

"Yeees! Ingat ka kaibigaaan!"

And there she knew what happened earlier because it is happening again. She's smiling.

The Spaces Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon