"You look hilarious."
Gusto batuhin ni Gab si Terrence ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatakip ng bullcap ang mukha niya. Nasisilaw siya sinag ng araw na tumatama sa windshield ng kotse ni Terrence. Hindi sapat ang sobrero niya kaya pati ang buhok niya ay nilagay niya sa mukha niya para hindi masilaw. Alam niyang kanina pa nagpipigil ng tawa si Terrence dahil sa itsura niya. There she conclude that she hates sun like she hates Terrence.
"You have pale complexion. You block the sunlight. Gabi ka lang lumalabas sa kwarto mo. Are you a vampire?" Natatawang tanong ni Terrence. Tiningnan niya lang ito ng masama but she doubt na nakita ito ng lalaki.
Tatlumpung minuto pang nakalipas bago tuluyang tumaas ang sinag ng araw. Inayos ni Gabrielle ang buhok niya. Nagmumukha siyang yaya ng katabi niya dahil sa ayos niya ngayon. Terrence is wearing a V-neck lime green shirt paired with a denim pants. Naka-RayBan shades pa ito.
Biglang naiinis si Gab sa sarili dahil sa ayos niya. Dapat ay nag-ayos man lang siya bago sumama dito. She should wear at least a pretty shirt and clean jeans hindi yung plain black shirt at nasuot na niyang pantalon ang gamit niya. "What the hell Gabrielle? Pakialam mo ba kung ano tingin ni Terrence sayo?" Kontra ni Gab sa isip niya.
"Oh great. Underconstruction ang tulay." Napalakas na sabi ni Terrence. He don't know any alternative roads to take.
"Great." Sabi ni Gab. Halata sa boses niya ang relief. She hate bridges. Tinignan siya ng masama ni Terrence, marahil ay nagpakamalan nitong masaya siya dahil hindi nila makukuha ang bulaklak na gusto ni Sandy.
Mabilis na nagmaneho si Terrence. He drive through an intersection and take the diversion road. Wala siyang pakialam kung tama ang tinatahak niya. There are too many intersection at kahit ano lang ang pinipili niyang daanan. He doesn't bother looking at the GPS. Pero nasa kanya yata ang swerte ng mamataan niya ang flower shop na dapat nilang puntahan.
"Get out princess. We're here." He look smug. Gab just pursed her lips in annoyance.
Pumasok sila sa shop at sinalubong ng matandang babaeng nagpakilalang Malou.
"Magandang umaga po. Bibili po kami ng 75 white roses at 3 callalily." Sabi ni Terrence sa matanda.
"Ay apo, mga rosas lamang ang nadeliver dito kaninang umaga. Ang callalily ay hindi pa dumadating. Bihira na rin kasi ang callalily sa lugar na 'to." Dismayadong paliwanag ng matanda.
"Ganon po ba? May alam pa po kayong nagtintinda o makukuhanan ng callalily?" Tanong ni Terrence. Callalily is always her mom favorite flower. He will do anything to give that flower to Sandy.
"Ay, wala na apo. Iisa lang ang nagdedeliver ng bulaklak sa mga flower shop dito. Pero kung nais mo talagang makakuha ay may malapit na batis dito, minsa'y doon kumukuha ang anak ko kapag wala talagang maideliver dito. Sayang lamang at nasa manila ang anak ko. Hindi niya ito makukuha para sa inyo." Sabi ng matanda.
"Ganon po ba? Pero maaari niyo po bang ituro ang daan, may sasakyan naman po kami." Sagot ni Terrence.
"Naku, iho. Hindi maaari ang sasakyan sa daan patungong batis. Tatlongpung minuto ang dapat niyong lakarin papunta doon. Pero kung nais niyo pang pumaroon ay iguguhit ko sainyo ang daan."
"Salamat po. Kailangan ko po talaga ng callalily para sa espesyal na babae sa buhay ko." Nakangiting sagot ni Terrence.
"Ay, iha. Napakaswerte mo naman." Sabi ng matanda kay Gabrielle na kanina pa nakatayo sa pintuan ng shop.
"Hindi po." Mabilis na sagot ni Gab.
"Batang 'to. Nag-aaway ba kayo? Iha, patawarin mo na 'tong nobyo mo. Ay, pagkagwapo-gwapo, ang sweet pa." Dagdag ng matanda.
Parang umakyat lahat ng dugo ni Gab sa mukha niya sa sinabi ng matanda. Tinapunan niya ng masamang tingin si Terrence na wala man sinasabi at nakangiti pa sa kanya. "What the heck is he up to?!" Sa isip niya.
"O siya, sandali lang at iguguhit ko ang daan." Paalam ng matanda at pumasok sa likod ng shop.
"Ang sungit mo. Natutuwa lang yung matanda satin ah!" Nanlolokong sabi ni Terrence sa kanya.
"Whatever!" Inis na lumabas si Gab sa shop at nag-abang sa labas. Napailing nalang si Terrence. Maya-maya pa ay dumating na si Lola Malou at binigay kay Terrence ang naiguhit na mapa.
"Salamat po la, ito po ang bayad sa mga rosas, pakideliver na lang po sa address na 'to. Salamat po ulit." Binigay ni Terrence ang address ng villa.
"Ay iho, sayo na itong pulang rosas. Pampaamo sa nobya mo sa labas." Nakangiting sabi ng matanda.
Masayang tinanggap ni Terrence ang bulaklak. Pagkalabas niya ay hinanap niya ng tingin si Gab ngunit hindi niya ito matagpuan. Nagsimulang uminit ang ulo ni Terrence. "Asan na naman ba ang babaeng 'yun?" Inis niyang tanong sa sarili. Nilibot niya ang paligid ng shop hanggang sa makarating siya sa isang bakuran. Natanaw niya si Gab sa parang may inaabot sa loob ng bakod.
"What the hell are you doing?" Asik niya dito.
Napapitlag si Gab sa boses na narinig. Tiningnan niya ng masama ang lalaki pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagsungkit niya sa bracelet niyang nalaglag sa loob ng bakod habang pinipitas niya ang bunga ng atis na nasa loob ng bakuran.
Nakita ni Terrence ang pilit nitong inaabot. At wala siyang balak tulungan ito. Hindi pa rin nawawala ang inis niya sa biglang pagkawala nito.
"Bakit ba napunta yan sa loob?" Tanong niya kay Gab.
"Eh kung tinutulungan mo kaya ako?" Sagot ni Gab. "Taba ng mata mo." Dugtong pa niya.
Terrence grinned. "Why would I?" Sabay kuha ng panyo niya sa kanyang bulsa para punasan ang namumuong pawis sa noo niya. Hindi niya namalayang bumagsak ang susi ng sasakyan sa damuhang kinatatayuan niya.
"Dahil kung hindi, itatapon ko sa loob ang susi mo!" She said loudly sabay kuha sa bumagsak na susi.
Ang bracelet na iyon ay pagmamay-ari ng mommy ni Gabrielle. It was her mother's favorite bracelet that's why it is so important to her. Wala siyang pakialam kung nagdilim ang anyo ni Terrence sa banta niya.
"Give me back my key princess." Kalmadong sabi ni Terrence.
"Get my bracelet!" Sagot ni Gab dito. Nang biglang may nagsidatingang itik at pato galing marahil sa kabilang dako ng bakod. Napasigaw si Gab at naitapon sa loob ang susi ng kotse at agad na tumakbo papalayo sa bakod. She hates ducks . She doesn't know why but she found those feet so creepy. Dikit-dikit kasi ito. And those beak are to wide for their small face.
"Oh god. Umalis na tayo dito!" Nagulat si Gab sa boses ni Terrence sa likod niya. "Paano ito napunta sa likod ko? I quite ran a distance from where we stand earlier." Sa isip ni Gab.
"Give me back my key at ipapakuha ko na lang ang bracelet mo once na makakita tayo ng ibang tao!" Halata sa boses ng lalake ang takot na may halong pandidiri. "What's with him?!" Sa isip ni Gab.
"God! The key!" Gab exclaimed as she remembers na bumagsak ito sa parteng mas malayo pa sa binagsakan ng bracelet niya. "Nasa loob na ng fence!"
"WHAAAT?!" Terrence shouted. "Oh my god, kunin mo yun! NOW! I'll wait here."
"I can't! There's an angry and creepy ducks in there! Ikaw na! Aren't you a gentleman?!" Agad na sagot ni Gab.
"Hindi pwede! I saw a chicken not far from those ducks! You don't know how frightening a chicken can be! Now, face your fear at kunin mo yung susi ng kotse ko!" Utos ni Terrence kay Gab.
"Pambihira! Manok lang yun, maliit lang ang tuka nun! Nakikita mo ba yung tuka ng mga pato na yun, ang lalaki! I might die kapag natuka nila ako!' She said in horror.
"It's your fault! Panindigan mo! Baka nakakalimutan mo, nandoon parin ang bracelet mo!" Terrence said angrily.
"I said I can't! OH MY GOOOD. Nakawala ang isang pato! Craap, papunta dito!" Agad na hinawakan ni Gab ang kamay ni Terrence at tumakbo papalayo.
__
