Wala Pang Mission! Hahaha

21 2 2
                                    

Aubrey'sPOV

"CHEEEEENNNNNNNN!!!!! BUMALIK KA DITOOOO!!"

Habol habol ko yung loko loko naming kapitbahay at classmate na si Chen. Lintek na yun! Pano kasi yung Math notebook ko,kinuha sakin hindi na binalik! Porket may sagot ako lagi,kaya lagi rin nyang ginagaya!

"PAKOPYA! BAKIT ANG DAMOT MO?! PAPAGAYANIN KITA SA VALUES,WAG KANG MAGALALA"

Sabi ni Chen habang sinusuri yung Math notebook ko. Binubuklat nya yung mga pahina nito,at yung daliring ginagamit nya pangbuklat eh dinidilaan nya muna. Shit ka Chen! Magaamoy laway ng dinosaur yang notebook ko!

"WAG MO NGANG GAWIN YAN! TANGINA AKO PA ANG MADAMOT?! EH LAGI KA NGA SAKIN NANGGAGAYA!"

Lumapit ako kay Chen na pa cool na nakasandal dun sa puno ng mangga.. Tss sana mabagsakan sya ng maraming langgam,kainis sya.

Habang papalapit ako,eh nagtatakbo naman sya paloob ng bahay nila.

"BABYE! HAHAHA BALIK KO NALANG SAYO BUKAS!"

Uhhh!! Pakshet ka Chen,may araw ka din.

So ang beautiful me ay pumasok na sa bahay namin na katapat lang ng bahay nina Chen the dinosaur. Im Aubrey nga pala,ang pinakamaganda sa bahay namin. Hahaha,wag kayo umangal,story ko to at utos lang sakin ng director,kaya wag na magreklamo okay? Haha good.

So pumasok nalang ako ng kwarto para aliwin ang sarili ko. At ang gagawin ko ay.. kayo na bahala magisip.. Hahaha.

Kinuha ko yung phone ko na may tatak na mansanas na may kagat at pumunta sa mga videos na panay KPOP at syempre,karamihan dun ay ang favorite group ko.. ang BIGBANG.. Kyaaa~

Nanuod ako ng latest nila,ang BAE BAE at LOSER. Ang hot nila grabe. Kaya nga siguro nasunog na balat ko? Haha dejoke lang,hindi maitim at sunog balat ko,uy! Flawless kaya ako!

Siguro alam nyo na kung ano ang hilig at trabaho ko. Hihihi. Isa lang naman akong V.IP,ang fandom name ng BigBang,at ang tawag sa mga fans nila na kagaya ko. At FANGIRL ako. Kinapslock ko talaga para intense,RAMDAM nyo ba? Hahaha.

"Kyaaaa~ I LOVE YOU G-DRAGON!! OMG!!"
Kilig na kilig ako habang pinapanuod yung videos nila,feeling ko sasabog na yung ovaries ko anytime,then biglang pumasok ang ate kong mataba,si Ate Anjj. Hahaha pero joke lang hindi sya mataba,SEXY sya. Haha love na love ko yan eh. Pwe. Isa pa nga. PWEEEE!

"Rinig na rinig ko yang kabaliwan mong chaka ka,tagos na tagos sa kabilang kwarto!! Magbalat ka na ng patatas letse ka! Kung ayaw mo,wag kang kumain."

"Lakas makautos nito ah! Pero dahil chaka ka,sige na! Saka teka lang,patatas? Ako magbabalat ng patatas? Haha kelan pa ako naging si Princess Sarah?"

"ULOL. Porket magbabalat ng patatas,si Princess Sarah na? Utot mo. Dalian mo!"

So dahil galit na si Ateng mataba,sumunod na ako. Mamaya ko nalang pagpapantasyahan si GD my loves. Hihi. Bago lumabas ng kwarto,nilibot ko yung paningin ko sa kwarto ko. Na punong puno ng posters and merchandise ng BigBang and KPOP.

"Wait lang mga oppa ha? Magbabalat lang ng patatas ang oh so pretty me? Haha babalik ako mamaya ha? Arasso?"

-----------

*kinabukasan

@school (wag nang pangalanan,basta SCHOOL! SCHOOL! Oh gusto isa pa? Haha wag na! Basta SCHOOL! PERIOD!)

Pagkapasok ko sa room ay hinanap agad ng mata ko si Chen. Asan na kaya yung troll na yun? Yung math notebook ko,kukunin ko kasi.

Umupo ako at tinanong ko sa kaklase ko kung asan si Chen.

"Ayiiee,crush mo nuh? Magkwento ka naman! Magkatabi lang tayo,hindi ka nagkukwento!"

FC ah. FEELING CLOSE ANG GAGA. Sinisiko pa ako nyan ah? Sarap sumbiin sa ilong nang tumahimik.

"Extra ka lang dito sa story ko ha? Wag kang FC. Dun ka na nga! Kaimbyerna ka."

"Utos lang ni direk! Hehe sige na nga tatahimik na!"

Tss. So dinedma ko nalang sya at hinanap si Chen. At nakita ko sya na nagbabasa sa isang sulok.. Taklob yung mukha nya kaya hindi ko agad nakita.. ang binabasa nya.. MAHAL MO SYA,MAHAL KA BA? Ni Marcelo Santos III. Aba ang bwisit na si Chen,lumalovelife? Hahaha pfftt..

Lumapit ako sa kanya at hinanggit yung libro na binabasa nya.

"Huy! Bastos mong bata ka ah,nagbabasa ako! Nagbabasa!"

"Yung math notebook ko! Akin na! Kinain mo na ata eh! Magaling ka lang manghiram,hindi ka naman marunong magbalik,letse ka."

"Teka lang! Puro mali naman sagot mo eh! Walang kwenta,baka bumagsak pa ako sa homework! Oh! Iyo na!"

Inabot na nya sakin yung math notebook ko at kinuha ko naman agad ito. Pero bago ako umalis,binilot ko muna yung notebook at pinukpok sa ulo ni Chen. Napa AWW sya sabay hawak sa ulo nya.

"Bakit mo ginawa yun?! Masakit ha. MASAKIT,PUTA."

"Ang dami mo kasing reklamo! Nakakainis ka! Mali pala sagot ko ah? Sapakin kaya kita dyan? Che!"

Umalis na ako at umupo na ulit sa upuan ko. Kinuha ko yung IPHONE KO at nanuod ng ulit ng videos. Pag kasi bwisit ako,nanunuod nalang ako,inspired na,hindi pa boring. Haha.

"Yeong wonhan geon jeoldae eobseo gyeolgugi neon byeon haetji,iyeodeo eobse--"

"Sabi ba ni Kuya Kim uulan ngayon? Bakit makulimlim? Wala pa mandin akong dalang payong"

Habang busy ako sa pagsabay sa CROOKED ni GD my loves eh biglang sumingit si Chen dinosaur at tinanong to sakin. Tss alam ko sinabi nya to kasi mangaasar na naman sya kasi kumakanta ako.

"Ewan ko! Hindi ako mahilig manuod ng tv,kaya pwede don't ask me a nonsense question? Nanunuod ako oh. PINAPANUOD KO YUNG BIAS KO. SI GD MY LOVES KO."

Habang sinasabi ko yan,dinikit ko sa pagmumukha nya yung IPHONE KO habang nagpeplay yung video. Kainis to ah! Bakit ba napakaepal nito?!

"Kung maidikit yung Iphone sa pagmumukha ko,WAGAS! Baka gusto mong durugin ko yan? Sino ba yang si GD na yan?"

"Wala ka na dun. Kelan ka pa naging interesado sa KPOP at lalo na sa BIGBANG at syempre lalo na kay GD ko? Ang hilig mo lang naman kasi eh mangtroll at bwisitin ako!"

Bwisit na Chen to! Kahingal nun ah! Ang haba kaya at ang bilis pa!

"Tss. Fangirl ka pala. Saka,uy! kahit troll ako,GWAPO PA DIN AKO. HABULIN NG CHICKS."

"Eh kung iuntog kaya kita dito sa armchair? Ikaw GWAPO? Nakacapslock pa yan ah.. Psh bahala ka. Gumising ka na sa kahibangan mo. Pfftt. Haha"

"Eh ikaw,feeling maganda. Pabebe palagi. Pffttt. Hahaha!"

At ayun,nagpagulong gulong sya sa sahig ng room kakatawa. Petengene,pabebe daw ako? Pero aaminin ko minsan nga ganun ako. Hahaha. Tch,bahala syang Chen sya magpagulong gulong,mautas sya kakatawa! Basta ako manunuod nalang dito,at pagpapantasyahan si GD at ang iba pang members ng BigBang na sina Top,Seungri,Daesung at Taeyang. Kyaaa~ syet,may concert sila dito! Haha at hindi ako team bahay,kasi pupunta ako dun! Mwehehehe. Inggit kayo? Hahaha okay tama na,alam ko inggit na kayo. Haha masyado na akong NANGIINGGIT. Hihihi.

----------

Ito po ang inyong lingkod,ang author ng kwentong ito. Haha! So kamusta sya? Sana nagustuhan nyo~ SHORT STORY po ito,siguro hindi ko po sya papalagpasin ng 5 chapters.. Hahaha ang baliw ko,kaya nga SHORT STORY diba? Haha shet binara ang sarili. XD Okai! VOMMENTS po kayo.. Thank you~~

MISSION: To Be A FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon