Chen'sPOV
"KYAAAAAA~ ANG GWAPO GWAPO MO TALAGA!! KYAAAA~"
Tinakpan ko yung dalawa kong tenga sa lakas ng sigaw ni Baekhyun. Shit,paramg feeling ko sabog yung eardrums ko sa loob sa lakas ng sigaw nito eh.
"Shit Baek,ang lakas ng irit mo,para kang retarded seal sa ginagawa mo" sabi ni Chanyeol sabay tanggal sa daliri nyang nakapasak sa tenga nya.
"Edi ba,tanong ni Chen to? Sabi nya,pano ba maging fanboy nye nye nye! Oh ayan di ba ganun sila?" Pagpapaliwanag naman ni Baekhyun.
"Tanga! Fangirl yung mga gumagawa ng ganun! Gagawin mo naman akong bakla nyan" sabi ko sa kanya
"Bakit? Pwede namang sumigaw ang mga fanboy ah? Bakit si Chanyeol?"
Tinuro nya si Chanyeol na nangungulangot at saka tinabig nya yung daliri ni Baekhyun na nakaturo sa kanya
"Oh? Ano na nman? Bakit ako? Hindi ako sumisigaw ng ganyan."
"Tsk. Talaga lang ha. Sige nga iexplain mo nung nakita natin si Dara? Diba nagsisigaw ka ng DARA,DARA,DARA?!"
Namula naman si Chanyeol sa sinabi ni Baek. Tch,baliw talaga sya kay Dara,pero guys may girlfriend na yan,pero hindi maiwan iwan ang pagiging fanboy.
"Eh bakit ka nga ba magiging fanboy? Anong pumasok sa makitid mong kukote at naisipan mo yan?" Tanong ni Baek
Hindi ko nga din maintindihan eh. Kung bakit kelangan kong MAGPANGGAP bilang isang FANBOY,nang dahil lang sa kanya.
"Basahin nyo nalang sa mga sumusunod pang chapters nang malaman nyo,katamad kasi magexplain,bahala na ang author ng storya ko."
Tumango tango nalang sila sa sinabi ko.
"Eh pano nga? Chanyeol ano bang ginagawa mo kapag nakikita mo si Dara? Yung kalimitan mong ginagawa?"
Nagisip saglit si Chanyeol at saka sya ngsalita.
"Umm.. Wala,masaya,tapos yung tipong gagawin mo lahat para lang makita sya. Psh tama na nga! Baka marinig ako ng girlfriend ko magselos na naman yun!"
Napa AHH nalang ako. Bahala na. Basta panindigan ko nalang to. Eh kasi naman.. dapat hindi pa ngayon ako magpapanggap.. pero dahil gwapo ako,sige na panindigan na to.
Flashback
Pagkatapos ko bumili ng mga kelangan ko para sa pagdidisguise ko,syempre gamit ang mahiwagang credit card ni Suho hyung,ay dumiretso ako sa banyo para tignan sana kung ano itsura ko pag nakapangdisguise ako. Nakaharap na ako sa salamin suot suot yung mga binili ko. Wow naman,kahit na nakaganito ako,ang gwapo gwapo ko padin. Haha. Kahit medyo takip yung mata ko dahil sa bangs ng wig,gwapo pa din.
Tatanggalin ko na sana yung wig saka yung braces ko nang biglang may nagpasabog. Mas malala pa sa tear gas. Puta,ang baho! Sino ba yung walang hiyang tumatae dun?! So dahil feeling ko mawawalan na ako ng oxygen sa katawan dali dali na akong lumabas ng cr. Baka mamatay ako dun sa sobrang baho,mabawasan pa ng gwapo sa mundo.
Nasa labas na ako ng mall,at naulan. Wala akong payong,kaya tumigil muna ako saglit sa labas para maghintay ng masasakyan. Pero narealize ko na.. NAKADISGUISE PA PALA AKO. AT ANG MAS MALALA.. NAIWAN KO YUNG DAMIT KO DUN SA CR. TANGINA. BWISET,MALAS AKO NGAYON. Babalikan ko ba? Tch,wag na baka may nakakuha na nun,pagkakaswerte namang nilalang nun,nakakuha ng damit ng tulad ko.
Matagal na akong nagiintay ng masasakyan at tumila ang ulan pero habang patagal ng patagal,lalong lumalakas ang ulan. Sasayi na sana ako nang may sumitsit sakin,and to my surprise,its her.
BINABASA MO ANG
MISSION: To Be A Fanboy
FanfictionAno kayang mangyayari kung ang bida ng storyang ito na si Chen ay maging isang dakilang FANBOY? Mahirapan kaya sya? O maging daan sa kagustuhan ng kanyang puso?