Mission: On-Going

16 1 0
                                    

Chen the troll's POV

Bago umuwi galing sa school eh dumiretso muna ako kina Suho kasi may ipapakiusap ako sa kanya. Oo,ang gwapo na si Chen,may hihinging pabor.

Nung nasa tapat na ako ng pintuan nila,eh nagdoorbell agad ako. Astig no,may doorbell sa labas ng pintuan. Haha gusto ni Suho hyung eh,ewan ko ba,basta magbasa na lang kayo. Haha. Nakapasok na naman ako sa mismong gate,kasi,kilala ako ng mga guards dito. Hahaha madalas ako dito kaya pake nyo ba?

Lumabas si Suho hyung na naka shorts lang na pangbasketball at nakasando.

"Oh Chen! Bakit ka pumunta dito? May kelangan ka?"

"Oo eh. Hehehe may hihingin sana akong favor" sabi ko habang kumakamot sa ulo. Wala akong kuto oh balakubak,kaya wag kayong magisip ng kung ano dyan ha! Trip ko lang bakit ba?

"Eh ano yun?"

"Ah.. ano kasi.. may extra ka ba dyang pera? Eh ito kasing wallet ko,naghihingalo na."

Sabi ko kay Suho hyung sabay pakita ng wallet ko na ang laman lang eh 20 pesos na pampamasahe ko nalang.

"Sus,yun lang pala. Oh ito,gamitin mo muna. Basta ibalik mo sakin bukas ah?"

Inabot sakin ni Suho hyung yung black credit card nya. Wow,hulog talaga ng langit itong si Suho hyung sakin! Tuwang tuwa kong inabot yung black credit card ni Suho hyung at nagpasalamat dito.

"Salamat talaga hyung! Wag kang magalala,ibabalik ko to bukas."

Umalis na ako sa MANSION nila at dumiretso sa mall para bilhin yung kelangan ko. Nagtataka ba kayo kung bakit nakacapslock yung MANSION? Malaki kasi talaga yung MANSION nila Suho hyung eh,kaya para intense at feel nyo talaga,nakacapslock. Hahaha,CORNY ba? Walang magagawa yun yung nasa script eh. Mwahaha

Aubrey'sPOV

Umuulan. At buti nalang,may dala akong payong. Handa ako! Nasa labas na ako ng mall kasi nagaabang ako ng masasakyan pauwi. Nagpabili kasi si Ate Anjj nang sang katutak na mga groceries,darating kasi yung boyfriend nyang koreano. Tss biruin mo yun? Nakabingwit sya ng korean boy? Ano ngang pangalan nung boyfriend nang gaga kong ate? Se... Se... ay basta Se ang unahan,nalimutan ko na.

Ang tagal ng transportation ah! Tungunu,transportation! Hahaha di na lang sabihing masasakyan eh! Haha

Nililibot ko yung paningin ko sa paligid nang may nakita akong lalaki na nakatayo dun at wala syang payong,and sa tingin ko,tatakbo na sya under the rain para sumayi sa ulan.

"Psssttt!!"

Sinitsitan ko sya at napatingin naman agad sya.

"Sumukob ka na dito."

Oh di ba ang bait ko? Pinasukob ko ang isang stranger na walang payong. Haha.

Sumukob naman sya agad sa sinabi ko. Pero may napansin ako..

"V.I.P ka din?"

Excited kong tanong sa kanya. Eh pano,nakasuot sya ng shirt na may logo ng BigBang. Kyaaa~ naexcite tuloy ako dito! May nakita akong kapwa ko V.I.P

"H-ha? Oo. Haha V.I.P ako. Fan ako ng BigBang"

Sabi nya. Naks naman,FANBOY pala to. Nakasuot sya ng shirt na may logo nga ng BigBang,then pants na itim,tapos yung buhok nya.. Yung may side bangs? Tapos yung parang kay Wa Si Lei ng Meteor Garden na member ng f4. (Tama ba spelling ng Wa Si Lei? Haha sarreh,di ko alam) tapos.. nakasalamin sya,reading glasses to be exact.

"Sino bias mo?"

Napatingin sya sakin. Then ngumiti sya,at nakita ko yung braces nya.

"Ah.. ano.. lahat sila.."

"Talaga? Naks naman! Ikaw si?"

"Ako? Ako si.. Alfred! Oo,ako si Alfred. Haha"

"Nice to meet you Alfred! Ako si Aubrey at fan din ako ng BigBang,super! At bias ko si G-DRAGON! Kyaaa~"

Ngumiti lang sya sakin at nakita ko yung cheekbones nya. Teka,parang familiar yung cheekbones ah?

"Eh taga saan ka ba? Saan ka sasakay?"

"Ah taga ******* subdivision ako."

"Talaga? Taga ron din ako eh! Sya sabay na tayo. Magtricycle na lang tayo! Tara na!"

Then hinila ko sya papunta sa terminal ng mga tricycle. Hahaha abno ko,dapat kanina ko pa to naisip eh.

Sumakay na kami at tinulungan din nya ako na dalhin yung mga pinamili ko. Lagot sakin yang si Ate Anjj,ang dami daming pinabili,kala mo naman mageevacuate kami,ipagluluto lang naman nya yung boyfriend nya. Pero sabagay,parang pang welcome narin dun sa korean boy na dyowa nya.

Habang nakasakay kami sa tricycle,dinadaldal ko lang sya tungkol sa BigBang at KPOP. Masaya syang kasama kahit ngayon palang kami nagkakilala. Lol. Lumalandi ata ako? Hahaha. Compare naman kay Chen dinosaur,mas masarap tong kasama. Psh,saka relate kami sa isa't-isa kaya madali kami magkasundo. Buti nalang hindi pa yun nagpapakita sakin,kasi kung OO,kukulo na naman yung dugo ko.

Chen Na Nawawala'sPOV

Okay... Okay... Madilim na ang paligid,gabi na ba? O nakikita ko lang si Kai? Hoho peace Kai ✌ So.. Abangan nyo nalang POV ko sa next chapter. Walang maisip ang author. Hahaha TAMAD. Pwee haha.

MISSION: To Be A FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon