MISSION: FANBOY NA ANG BIDA

12 1 0
                                    

Aubrey'sPOV

Naglalakad ako pauwi. Nilakad ko nalang kasi kelangan kong magabawas ng fats sa katawan ko. Haha joke! Hindi kaya ako mataba! Hmmp! Naglalakad ako kasi trip ko lang,parang gusto ko lang maglakad lakad.

"AUBREY!"

Napalingon ako kasi may tumawag ng aking beautiful name. Nang makita ko kung sino,si Alfred.

"Alfred! Saan ang lakad?"

Tinanggal nya yung earphones nya at saka ako nginitian.

"Ah sa park lang. Sama ka? Baka andun sina GD saka ang iba pang members,haha"

Napatawa ako sa sinabi ni Alfred. Hinampas ko sya ng mahina sa braso nya.

"Hahaha! Kahit na malayo mangyari,pasama ha? Haha gusto ko kasing kumain ng fishball"

At ayun,nagkayayaan na kami papuntang park. Habang papunta dun,walang tigil ang pagkukwento namin about KPOP at BigBang syempre. Pinagkukwentuhan namin yung updates saka yung iba pa. Tawa nga ako ng tawa kasi mahilig magbiro tong si Alfred. Nang makarating kami sa park ay agad kaming pumunta dun sa stalls ng mga pagkain.

Kumain kami ng fishball,kwek-kwek,palamig,calamares at balot. Medyo gumagabi na kasi,kaya may mga nagtitinda na dito. Nagpaligsahan pa nga kami kung sino ang maunang makakain ng balot kasama yung sisiw. Haha hindi ako nanalo kasi hindi ko kinakain yung sisiw,samantalang sya,kain pa din.

Ngayon naman nakaupo kami sa isang bench dun at hinihintay na magliwanag yung buong park. Dito kasi,tuwing gabi,pinapaliwanag nila yung park. May mga ilaw na nakasabit sa puno-puno,saka sa iba pang halaman. Sa buong park to be exact. Kaya nga parang floating lights sya pag nagliwanag na. Kulay white pa man din kaya ang cute cute.

"Alfred,san ka nga pala pumapasok?"

Natigilan sya sa pag-iisip sa tanong ko. Yung mga mata nya hindi mapakali.

"A-ah. Ano.. Hindi mo naman alam kung saan eh kaya wag na." Sabi nya habang kumakamot pa sa batok

"Ihh. Palagay mo sakin walang alam? Tsk,sige na." Pamimilit ko sa kanya.

"S-sa ano.. basta."

"Sige na nga! Hindi na kita pipilitin. Pero,may itatanong lang ako ulit ah."

Tumango lang sya. Ayaw nya kasi pagusapan yun. Kaya iba nalang itatanong ko.

"Bakit ba hindi mo alisin yang bangs na nakaharang sa mukha mo? Takip kasi yung medyo kalahati ng mukha mo dahil sa bangs. Hindi ko tuloy makita ng ayos yang mukha mo. Pwede ka magpaclean cut. Samahan pa kita eh."

Ang haba kasi ng buhok nitong si Alfred. Hanggang balikat,tapos parang pang Wa Si Lei na hindi,yung bangs nya,takip yung medyo kalahati ng face nya.

"H-haha! A-ano kasi.. H-hindi ako sanay na magpaclean cut. Gusto ko yung ganitong hairstyle." Sabi nya habang hinahawi yung buhok nya.

Napa AHH nalang ako. Gusto ko sana magpaclean cut sya. Pero ayaw nya eh. Wala tayong magagawa.

Habang nakaupo kami dun may lumapit na batang palaboy. Gusgusin sya at may dala-dala syang bag.

"Ate,kuya palimos po. Pangkain lang." Sabi nung palaboy habang nakalahad yung kamay samin ni Alfred.

Dumukot ako sa bulsa ko,pero naibili ko na yung coins ko.

"Alfred,may coins ka ba dyan? Ibigay mo na dito nang matahimik"

Dumukot naman agad si Alfred sa bulsa nya pero parang wala syang coins.

"Naku,wala eh. Naibili ko na." Sabi ni Alfred

"Sya bata,wala. Pasensya na." Sabi ko dun sa palaboy. Sumimangot naman agad yung bata.

MISSION: To Be A FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon