MISSION: FAILED OR ACCOMPLISHED?

17 1 2
                                    

Aubrey'sPOV

Kakarating ko palang samin nang sumalubong agad sakin si Ate Anjj at binatukan ako ng bongga.

"ARAY! Shit naman! Yun agad welcome mo sakin?! Bakit mo ba ako pinauwi agad?!"

Umupo ako sa sofa kaharap ang Ate Anjj kasama ang Inay at ang Tatay.

"Kasi,chaka kong sister,kaya ka namin pinauwi dito kasi may mahalaga kaming sasabihin sayo." Seryoso si Ate Anjj

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Ano naman kaya yun? Naghihirap na kami at tanging pagbabalat nalang ng patatas ang ikabubuhay? O di kaya,magtatanim kami ng kamote sa bundok?

"Aubrey,napagdesisyunan ng Ate mo na magma-migrate na tayo" sabi ni Inay

"Ha? Migrate po? Saan sa kabilang subdivision? Eh puro chismosa dun eh! Nakuu,hindi p--- ARAY! NAKAKADAMI KA NA!"

Hindi pa ako tapos magsalita pero nilapitan ako ni Ate Anjj at binatukan ako.

"Bobo! Hindi! Sa ibang bansa! To be exact,sa Korea. SA SEOUL,SOUTH KOREA"

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. M-migrate? Sa Seoul? Halo-halo yung nararamdaman ko. Masaya,na parang malungkot din. Dapat.. Masaya lang ako diba? Kasi titira na kami sa dream place ko? Kasi fangirl ako,at KPOP yung mga idols ko. Dapat masaya ako at dapat this time,nagtatatalon na ako sa tuwa at naiiyak pa dapat. Pero.. parang hindi eh.. bakit may lungkot akong nararamdaman?

"Ano? Natameme ka?" Pabirong sabi ni Ate Anjj

"Aubrey,ready na yung lahat. And ang alis natin ay the day after tomorrow. Kaya maghanda ka na nang mga gamit mo" sabi naman ng Tatay.

"Eh.. B-bakit ngayon nyo lang sinabi?"

"Kasi baka mag OVER ACTING ka na naman. Diba gusto mo dun? Same land,same air,same country ang tinatapakan nyo ng idols mo? Baka dahil sa sobrang excited mo,maumpog ka dyan,paospital ka pa." Sabi ni Ate Anjj habang nagcecellphone

"Psh! Saan tayo titira dun? May bahay na tayo dun? Tanga ka pala eh! Grabe ka aalis agad tayo wala pa tayong bahay?!" Sabi ko. Ang bilis kasi eh. Aalis agad kami? May concert pa ang BigBang dito,tangina,mahal din ang ticket nun! Grabeng pagtitipid ko para dun..

"Eh isa ka rin namang bobo eh! Ano ako walang isip?! May bahay na tayo dun malamang! Tinulungan ako ni jagiya magayos dun. Hihihi ayan na nga nagchat na sya." Kilig na kilig si Ate Anjj dun.. Tss,sabunutan ko to eh,puro kalandian ang nasa utak.

Bigla akong nanlumo. Bakit parang.. Ayaw ko umalis? Tsk. Pumasok ako sa kwarto ko at niyakap yung standee poster ni GD loves ko.

"GD loves,bakit hindi ako masaya? Diba dapat.. Abot hanggang tenga ang ngiti ko dapat ngayon.. why oh why?! Naguguluhan ako.. help me!" Inalog alog ko yung standee.. Pero nakangiti pa rin ito sakin.

Muntanga ako dito. Umupo ako sa kama ko at kinuha yung Iphone ko. Yan ha,hindi ko na kinapslock. Haha. Pumunta ako sa contacts. Nakita ko yung pangalan ni Alfred. Tatawagan ko ba? Tch. Wala akong load eh. Haha yae na.

~

The day after tomorrow..

3:00 pm na. Sakto. Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ko. Lumabas ako para maglakad-lakad. Gusto ko lang ikutin yung subdivision namin for the last time. Bukas na kasi ang alis namin. Unang-una ko agad nakita yung bahay nina Chen. Parang ngayon palang,mamimiss ko na si dinosaur. May sasabihin nga pala akong lihim. Wag kayong mabibigla ha.

Kasi.. Wala akong suot na panty ngayon.. HAHAHA! JOKE! Syempre meron! Pero,kidding aside.. My secret? My secret is beauty all over.. Ayy? Haha commercial ata yun? Haha pero kidding aside again. The truth is.. May mga hindi ako sinabi nung nakaraang POV'S ko.

MISSION: To Be A FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon