5.

24 2 1
                                    

Channel'sPOV

"Basta,ako ang bahala,ang gawin mo,dun ka sa bahay nyo,at intayin mo ako. Pupunta ako promise."

"Sige sabi mo yan ha? Iintayin kita."

Ngumiti lang yung lalaki at hinawakan ang kamay ko.

"Oo. Pano? Una na ako?"

Binitawan na nya yung kamay ko sabay ng pagtalikod nya.

Then haharap na sana sya ulit.. pero..

"CHAANNNEELLLL!!!"

Aray! Waaa nalaglag ako sa kama! Puta ang sakit! Sino ba yung nangangalampag sa pintuan ko?!

"ANO BA CHANNEL?! PAGBUBUKSAN MO BA AKO OH SISIRAIN KO TONG PINTUAN?! MAGBAYAD KA NA NG RENTA MO!"

Ah yung Land Lord pala namin. Shit ang aga aga nambubulabog. Kinusot kusot ko muna yung mata ko saka kumuha ng pambayad sa wallet. Taenang yun,napakabalakatak ng bunganga,kukuha na nga oh? Kala mo naman tatakasan ko sya.

Binuksan ko yung pinto at nakita ko sya na nakapameywang at nakataas yung isang kilay.

"Yung renta mo aber? Kanina pa ako nakatok dito,hindi mo ako pinagbubuksan! Napakatulog mantika!"

Tulog mantika daw? Tsk may gana pang sabihin yun,kainis. Inabot ko na sa kanya yung bayad ko na galing dun sa binayad sakin sa pagmomodel.

"Oh ang bayad ko! Kumpleto yan ha."

Binilang muna nya yung binigay ko saka tinaasan ulit ako ng kilay. Shit na to,may gana pang pagtaasan ako ng kilay,nakapagbayad na nga ako. Ahitin ko kaya tong kilay nito?

"Sya sige. Basta sa susunod,wag ka nang magpapatawag,magkusa ka nang pumunta sakin para magbayad. Tss"

Umalis na sya at ako naman naiwan na dung nakatayo sa labas ng pintuan.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Hmmm sino kaya yung lalaking yun sa panaginip ko? Hindi ko kasi kita yung mukha nya,sobrang liwanag kasi eh. Sino kaya yun? Siguro yung nakalaan para sakin? Ehem. Haha hanggang sa panaginip ko ba naman nagpapakita ang man of my dreams ko? Haha. Psh nambulabog kasi si LandLord yan tuloy naputol. Ajujujuju. Shet kelan pa ako naging jeje?! Tsk.

Dahil ngayon ay Friday, 12 ang klase ko. Konting oras lang yung klase ko kasi magpi-P.E kami ngayon. 8 palang at maaga pa,kaya maglilinis muna ako ng apartment. Haha sipag ko nuh? Haha yea I know that. Chosssss. XD

After nang paglilinis sa magulo kong apartment,eh uminom lang ako ng milo. Diet ako ngayon,kaya wag kayong magreklamo kung bakit yun lang breakfast ko. Habang umiinom eh kinuha ko yung phone ko at naginternet. May pocket wifi kaya ako,duh?! Kala nyo sakin poor? Haha charot lang. Kasama na to sa binibigay saking sustento nang mga magulang kong nangiwan,kaya may ganito ako kahit papano.

Nagfacebook lang naman ako,twitter,instagram. Sama mo na rin ang friendster. Haha dejoke lang,may ganun pa ba ngayon?

Scroll. Scroll. Scroll down. Psh puro pabebeng selfies lang to. Scroll down. Okay namatay daw yung alaga nyang butiki. Scroll down. Behind the scenes ng photoshoot ni Sehun at nung babae daw sa MCM. Scroll down. Teka.. Scroll up ulit.. Nakita ko yung pictures namin ni Sehun na nagpophotoshoot. Puta,ang bilis naman? Kalat agad sa net.

Fanpage sya ni Sehun,hindi ko pa naman sya nalalike pero napadpad sya sa news feed ko kasi halos lahat ng friends ko sa fb eh nilike ito.

Tinignan ko yung nga comments. Subukan lang nilang magcomment ng negative,nakuu bwiset sila.

Kyaaa ang gwapo ni Sehun! Bibilhin ko yang bag na yan!

Puta,sino yung kasama nyang girl? Couple ba sila? Bakit parang nakacouple shirts?

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon