12.

1 0 0
                                    

Channel'sPOV

WOW. Kanina ko pa yan sinasabi. Ang ganda kasi talaga! ANG GANDA KO TALAGA. Haha! Joke lang di na mabiro. Hoho. Pero pwede na din. LOL.

Nasa Palawan na kasi kami. At nasa hotel kami ngayon kasama ang ibang models para mag-ayos ng mga gamit.. Tatlo kami sa kwarto,of course puro babae. Baka kasi pag may kasamang mga boys eh.. Alam na.. haha. Pakshet,natamaan ako dun ah? Haha.

Inaayos ko na yung mga gamit ko na nasa maleta. Tahimik lamg kami na nagpapatas ng mga damit.. wala naman akong ka-close dito eh.

"Ummm hi."

Napalingon ako dun sa nagsalita. Sya yung babaeng sexy na katabi ko lang ng higaan. Nginitian nya ako kaya I smiled back.

"Hi din. Haha." Sabi ko.

"Ahh ikaw si Channel diba?"

"Ah oo. Ako yun. The one and only. Haha"

Napatawa sya ng konti at bigla syang umupo sa kama at humarap sakin.

"Alam mo Channel,sikat ka. Sa internet saka dahil sa modeling. Saka.. Yung about sa inyo ni Sehun.. Hindi mamatay matay ang controversies."

Eh? Ako sikat? Haha. Hindi ko alam ah. Baka sikat kasi madaming nangba-bash sakin? Nuh? Haha.

"Siguro dahil dun sa pagkalaki-laking billboard namin ni Sehun sa MCM? Eh yun ba namang makita yun palagi pag dumadaan,saka yung dito sa Bench.. Naka-display sa mga stores.." sabi ko sabay sara ng maleta ko at nilagay ito sa isang tabi. Umupo na din ako sa kama at humarap sa kanya para makipagkwentuhan.

"Siguro nga.. pero sumikat pa lalo dahil dun sa mga chismis tungkol sa inyo."

Napatango nalang ako. Hindi ko kasi alam isasagot ko eh. Napatingin ako dun sa kausap ko few seconds ago.

Maikli yung buhok nya,itim na itim yung buhok nya at may side bangs. Haha,medyo naiimagine ko sa kanya si Dora pero di hamak naman na mas maputi at maganda to. Haha.

"Ano nga pala name mo?" Sabi ko

Ngumiti sya sakin at saka nagsalita.

"Ako si Charlotte. Charlotte Torrez."

Inilahad ko yung kamay ko at nakipagshake hands naman sya skin.

"Ako nga pala si Channel. Channel Lee."

Ngumiti sya sakin saka yumakap. Medyo nagulat ako kasi agad nya yung ginawa eh kakakilala lang namin.

"Waaaa~ Ngayon may bago na akong friend! Tara sa may balcony? Tignan natin yung beach bilis!" Sabi nya sakin habang hinihigit higit ako.

"Oo na. Oo na. Ito na nga." Sabi ko sabay suot sa tsinelas kong bunny design at saka pumunta na nga kami sa may balcony. Yung kwarto kasi namin may balcony,at..

"WOW." Sabay naming sambit ni Charlotte. Ang ganda! Waaaa~~ Kaharap kasi namin mismo yung beach. Ang ganda.. White sand tas pinong-pino pa sila.. Tapos blue na blue yung kulay ng dagat. Ang ganda!

"Woah! Hindi talaga sila nagkamali sa pagpili sa lugar na to! Wow." Sabi ni Charlotte sabay labas ng phone nya at nagpicture sa view. Napatingin ako sa kanya. Tuwang tuwa sya habang kumukuha ng pictures.

"Ihhh! Full agad ang memory?! Tsss."

Napatingin ako sa kanya. Naka pout sya habang nagpipi-pindot sa phone nya.

Nang walang anu-ano ay bigla ko syang pinisil sa braso at saka sa cheeks nya. Humarap sya sakin with a weird look at hinawakan ang braso ko.

"Ate!! Hang shakit!! Waaa~" sabi nya habang nakapout at nakahawak sa magkabilang braso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon