9.

4 2 0
                                    

Channel'sPOV

Pumasok na kami ni Sehun sa studio. Wow. Ang ganda! Kahit hindi ganung kalakihan,maganda naman sya at organized ang mga gamit.

Napapalibutan ng salamin ang buong room,humarap ako dito at may nakita akong isang babae. Ang ganda niya,sobra. Nilapitan ko ito para matitigan ng maayos,pero bigla akong nauntog. Ayy,salamin lang pala,at SARILI ko lang pala nakikita ko. Haha.

"Huy,tama na yan. Let's start." Biglang nagsalita si Sehun at lumapit sakin.

Pero hindi ko sya pinansin. Lumapit ako dun sa isang pintuan sa studio,binuksan ko ito at nakita ko ang iba't-ibang klase ng musical instuments. May gitara,keyboard and may pang-record pa. Yung pag kumakanta? Ganun.

Para akong abno kasi tuwang tuwa ako na makakita ng ganito.

"Basta basta ka pumapasok,hindi mo ba alam? Bawal pumasok dito ng walang paalam."

"Eh na-amaze lang naman ako ah. Anong problema dun? Tch. Tara na nga magpractice." Nagpout ako at sinarhan ko na yung pintuan.

~

Sehun'sPOV

Parang bata tong si Channel. Tch. Humarap na kami sa malaking salamin para magsimula nang magsayaw. Actually,studio at practice room namin to. Itinayo namin tong 12 magbabarkada. Pangarap kasi namin na magkasariling studio saka practice room pag gusto naming sumayaw,kaya pinagsama na namin. Haha. Marunong kami lahat sumayaw. Hindi lang basta marunong ha,magaling. Saka sa pagkanta,magaling ako pero yung mga hyungs ko,lalo na sina Chen,Baekhyun,D.O,Luhan at Suho mas magaling. Haha. Totoo yun. Hindi ako nagyayabang.

At dahil nga pwede naman naming gamitin to ng ano mang oras,dito ko na lang napagdesisyunang magpractice kasama si Channel. Alam ko naman ang steps ng waltz kahit papano. Kaya walang problema.

Hinigit ko si Channel papalapit sakin. Nagulat sya at napatingin sya sakin. Malapit lang yung katawan namin sa isa't-isa. Hinawakan ko ang kamay nya at ipinatong sa balikat ko. Inilagay ko naman ang kamay ko sa bewang nya. Tapos yung isa kong kamay,inilagay ko dun sa ilalim ng kilikili nya. Ganun kasi position oag waltz diba? At yung isa nyang kamay hinawakan ko ng mahigpit. Tahimik lang kami habang ginagawa yun. Nakatungo lang naman sya. Problema nito?

"Hoy,tumingin ka nga sakin. Gwapo ako,kaya hindi ka magsisisi na tumingin sa kagaya ko."

Nakita ko na nagpout sya at saka tumingin sakin. Natitigan ko yung mukha nya ng matagal at malapitan. Ang ganda pala nya.

"Eh kasi naman! Tch. Nakatayo lang ba tayo dito? Wala bang steps?"

Hahaha. Oo nga nuh. Haha.

"Step close step lang dito. Basta yun lang. Sumabay ka lang sakin,and WAG MONG AAPAKAN ANG SAPATOS KO. GOT IT?"

Tumango lang sya sakin at nagsimula na kaming magsayaw. Sinasabayan lang naman nya ako,at naging maayos naman lahat. Infairness sa kanya,madali sya maka-gets.

After ng ilang minutes ay tumigil kami saglit kasi nagrereklamo to na masakit daw yung ulo nya.

Nakaupo kami ngayon sa sahig,samantalang tong si Channel,nakaub-ob.

"Hoy. Okay ka na? Gusto mo nang umuwi? Okay na naman yung sayaw natin eh."

Tumingin sya sakin at saka tumango tango.
"O-oo nga. Hapon na pati. Umm gusto ko nang umuwi." Mahina nyang sabi sakin. Tumayo na sya mula sa pagkakaupo kaya tumayo na rin ako.

"Sehun,una na ako ah. Salamat sa time mo. Haha. Ge." At naglakad na nga sya palabas. Tignan mo to,hindi man lang ako tinanong kung dito muna ako. Tsk.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon