4.

20 2 2
                                    

Channel's POV

Nasa set na kami ngayon sa photoshoot for a famous brand ng bag.. MCM yung brand nang imomodel NAMIN. Oo,NAMIN. Kasi pumayag na ako na maging kapalit nung babaeng mayLBM na dapat nasa position ko ngayon. Hihi pero sorry sya,para sakin talaga tong spot nato.

Pumunta na kami sa dressing room,syempre hiwalay kami ni Sehun. Pinagbihis nila ako ng simple lang. Nakaskater skirt lang akong color light blue,then yung pangtaas ko eh color white na long sleeves na may design na kung ano ano pa,and a pair of rubber shoes.

Hihihi ang cute cute ko! Mukha akong kpop sa outfit ko!

Ang ginawa naman nila sa buhok ko eh binlower lang then pinlantsa ng konti,and nagsuot ako ng headband na may ribbon na kulay pink. Sa make up naman,light lang. Konting foundation lang and lipstick,maganda na kasi ako,kaya hindi na kelangan pang kapalan ang make-up. Oh,aangal kayo? Wag na kase wala kayong magagawa.

Ayan gora na ako! Nakseu,model na ako! Kung kanina lang pinapangarap ko to,ngayon nagkatotoo na!

Lumabas na ako sa dressing room then nakita ko si Sehun na nakaready na. Omg ang gwapo nya grabe.. sobrang cool nya.. then napansin ko yung suot nya. Nakalong sleeve din sya na color white just like nung style sakin.. yung pants nya color light blue..

Napatingin din si Sehun sakin..

"Uyy couple ba tayo? Hihi para kasi tayong nakacouple shirts"

Sinundot sundot ko sa tagiliran si Sehun. Sya naman nakapoker face lang.

"Malamang. Bulag ka ba? Kaya nga parehas ng style mga damit natin eh."

"Sus,kilig ka lang hihi."

Ready na kaming lahat sa set. Binigay narin samin yung bag na imomodel namin. Kay Sehun eh bagpack at sakin eh backpack din pero mas maliit kesa kay Sehun. Hihihi pangcouple din yung bags.. Ang cute cute nga eh..

"Okay,Sehun and Channel,I want you guys to feel na totoo kayong magcouple. Pose like youre really inlove with each other"

Sabi yan nung director. Pwe ambaduy ha! Parang ang hirap naman ata? Wala eh baguhan ako,magagawa nyo ba?

So nagstart na kami magpose. Nasabi ko na ba yung background namin? Haha para kaming nasa park tapos may upuan dun,at may pekeng puno pa. Pero ang cute ng atmosphere!

*click click*

Puro tunog lang ng camera yung naririnig sa paligid.

Pose dun. Pose dito. Smile dyan. Smile dito.

"Very good! Now I want you to hold each others hands"

Napatingin ako kay Sehun. Nakatingin din sya sakin then ngumiti sya ng konti. Yung bag,isa lang strap yung nakasabit sa balikat namin and magkaharap kami sa isat isa.

Nakita ko yung kamay nya na nakaaro sakin at nakatingin sya sakin na hawakan-mo-na-yung-kamay-ko look.

"Hawakan mo na,arte ah. Hindi yan pasma kaya hawakan mo na"

So ako naman,hinawakan ko na yung kamay nya. Woah,grabe.. Iba yung feeling nung hawakan ni Sehun yung kamay ko.. Ang lambot kasi ng kamay nya eh nahiya naman yung sakin,puro kalyo. Haha pero joke lang yun wala akong kalyo nuh.

*click click*

"Perfect shot!" Sabi nung director.

Then nakailang shots pa kami,and may mga bags pa kaming minodel.

Time check- 5:35 pm

Natapos na ako magbihis nung suot ko kanina at gora na para umuwi. Nakakapagod din pala magpose at ngumiti nang ngumiti haha pero enjoy naman.

Paalis na sana ako nang lumapit skin si Sehun at yung manager nya.

"Oh? Paalis ka na agad?" Sabi ni Sehun

"Ay malamang,hindi mo ba kita,hinarangan nyo lang daanan ko eh"

"Ang taray tss. Aalis ka nang walang bayad?"

Oo nga pala nuh. Haha kabago bago ko pa nga lang,wala agad akong matatanggap na TF. May inabot saking sobre yung mangaer nila. Kinuha ko naman agad yun at binuklat yung laman kung magkano.

"Natuwa si director sa performance mo kaya may konting bonus. Haha"

Tinignan ko kung magkano yung laman nung sobre.. 10,000 pesos..

"Waaa thank you thank you! Ang laki nito ah? Pero thank you padin! hahaha pasabi sa director thank you! Sige alis na ako!"

Umalis na ako dun sa set at duniretso agad sa supermarket para maggrocery. Hihi ngayong may pera na ako kelangan mamili na ako ng maraming foods para pagdating ng crisis meron akong stocks! Haha

Pagkatapos ko mamili eh umuwi na ako. Nang makauwi ay kinain ko muna yung binili ko kanina. Habang busy ay nagulat ako kasi may kumalampag sa may labas..

Ano ba yun? Shit nakakaistorbo.. Binuksan ko agad yung pintuan para tignan kung ano yun.. Pagkabukas ko..

Nakita ko si Lance na nakatayo dun at parang natatae na ewan. Sa nakita ko.. Sinaraduhan ko agad yung pintuan..

"Channel!! Kausapin mo ako!! Please!"

"Lintek ka Lance wag mong kalampagin yang pintuan ko,nambubulabog ka ng kapitbahay eh!!"

Sigaw ko sa kanya na nasa labas parin at hindi ko pinagbubuksan hanggang ngayon..

"Channel.. please.."

Potek ang kulit. Binuksan ko nalang yung pinto para tumigil na syang hinayupak na sya. Pumasok naman sya at agad na humarap sakin..

"Ano bang paguusapan natin?" Iritado kong tanong sa kanya.

"Yung tayo.."

"Tayo? There was never an US."

Hahaha alam kong line yun sa pelikula nina Sarah at Coco,wala lang ginaya ko lang,wala na akong masabi eh ano angal pa?!

Sa sinabi ko napaangat ang ulo nya.

"Channel.. sorry.. alam kong hindi sapat yung pagsosorry ko sayo sa mga nagawa kong panggagago sayo.. pero I realized that.. mali ako dun.. mahal talaga kita.."

"Pwes hindi na kita mahal. Paulit ulit mo nang sinasabi yan eh,nung nagdaang chapter pa. Kaya umalis ka na Lance. Bago kita sipain palabas ng apartment ko."

Kita ko na umiiyak na sya.. Tss kaya naman ako nawala sa kanya kasi dahil rin nya. Kaya he will never get me again. Dinagdagan nya pa kasi yung sakit na nararamdaman ko. Yung pamilya ko nga,iniwan ako,sya pa kaya na boyfriend ko lang? Pero NOON yun kasi break na kami. Awtssuu.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon