Elena Ynamorata Lopez. Maganda, matalino, mapagmahal na anak, at mabuting kaibigan. Yna ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Sa edad na beinte kwatro ay nanatili siyang single. Kumbaga eh "late bloomer". Mayabang siya at mapride. Siga din kung kumilos. Kaya yung mga lalaki takot na ligawan siya. "Ang gusto ko sa lalaki yung matalino at kaya akong pasukuin!", yan ang madalas niyang sagot sa mga kaibigan niya sa tuwing kunukulit siya tungkol sa pagboboyfriend.
Hindi mo mahahalata na isa siyang Engineer dahil nga may pagka isip bata pa din. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Computer Engineering sa University of the Philippines at Magna cum laude pa. Ngayon ay nasa huling taon na siya ng second degree nya na B.S. Architecture.
Kapag wala siyang pasok sa trabaho, madalas nakikipaginuman si Yna sa mga barkada o kaya kumakain sila sa labas. Ito ang way nila to relax. Siya ang kilalang mataray at suplada sa tropa. Ang hindi alam ng mga kaibigan niya, deep in her heart she's hurting. After so many years, lihim pa ring iniiyakan at inaasam ni Yna ang kaisa isang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Nasaan na kaya siya? Magkakatagpo pa kaya kami ulit? My hero, when are you going to rescue me from this pain?
BINABASA MO ANG
Ai No Monogatari
أدب نسائيHere I am, standing beneath the starless sky. It looks like it's going to rain. It seems like the weather feels the agony in my heart. Will I ever accept it? Will I ever let you go?