1

57 1 0
                                    

Automatic

-The short story of Kirin Katsumi & Drake Kazuya-

~*~*~*~*~*~

DRAKE

"Napaka-ganda talaga ng babaeng ito..." mahinang bulong niya sa kaniyang sarili. Ngayon kasi ay naka-tambay lang siya sa pagkalaki-laking field ng kanilang campus at nags-stalk sa crush nito. Ganito ang gawain niya sa t'wing bakante niya at wala siyang klase. Lagi niyang sinusubaybayan ang crush niya. Wala siyang pakialam kung matakot o maweirdohan man sa kaniya ang mga taong nakapaligid sa kaniya, basta ang gusto lamang niya ay ang makita ang magandang pagmumukha ng dalaga. Parang may kung-anong puwersa na pumipilit dito para habulin niya ang magandang dalaga na si Kirin.

Bagamat malamig ang mga mata nito at laging seryoso ay hindi mapagkakailang napaka-ganda nga ni Kirin Katsumi. Lagi nga lang blangko ang mukha nito at walang ekspryeson. Sa tanang buhay ni Drake ay hindi siya kailanman na nagkakagusto ng ganito sa isang babae. May mga nagugustuhan naman siyang ibang babae, pero tila kakaiba ang babaeng kinababaliwan niya ngayon. Parang may kung ano rito na parang gusto niyang lagi itong sinusubaybayan. Masasabi nga niyang kakaiba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya.

Habang pinagmamasdan niya ang dalaga ay hindi niya maiwasang mapangiti ng todo. Sa simpleng galaw lang kasi nito ay hindi mapagkakailang lalo siyang nahuhulog dito. Sa simpleng pag-hawi lamang ng buhok nito ay parang may kung anong humahaplos sa kaniyang puso. Napakaganda naman kasi nito. Kahit na hindi palangiti ang dalaga ay napakaganda pa rin ng maamo, ngunit seryoso at malamig na mukha nito.

Sa kalagitnaan ng pagmamasid niya sa dalaga ay nagulat siya nang lumingon ito sa kaniya. Walang bakas ng kahit na anong emosyon sa mukha nito. Tinignan niya ang nasa likod niya kung may tao ba o wala. Ngunit wala namang kahit sinong tao na nasa likod niya. At nang lumingon ulit siya sa dalaga ay ganoon na lamang ang malakas at mabilis na pag-pintig ng kaniyang dibdib...

... ngumiti kasi ng tipid si Kirin sa kaniya.

~*~*~*~*~*~*~*~

AutomaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon