5

17 1 0
                                    

~*~*~*~*~*~*~

"Hi, Drake."

Napa-pitlag ang binata nang maramdaman niyang may nagsalita sa tabi niya. Agad niyang nilingon ito at nakita niya ang magandang mukha ni Kirin.

"H-hi..."

Ngumiti naman ng tipid ang dalaga. "So, bakit mo nga pala ako pinapunta rito?"

Tumikhim muna ang lalaki at nagsalita. "Kirin, alam ko na ang totoo... alam ko na kung anong klase kang nilalang..."

Nakita niyang tumingin sa malayo ang dalaga at ngumiti ng tipid. "I know."

Nagulat naman siya sa sagot ng dalaga. "Paano mo nala---" pero agad din siyang napaatras. "Oo nga pala..."

"Natatakot ka ba sa akin?"

Napakurap ang binata. Natatakot nga ba siya sa dalaga? Alam niyang isang demonyo ang kaharap niya ngayon. Literal na demonyo. Isang demonyong ubod ng ganda at sex appeal. At isang demonyong mabait. Meron bang ganun? Siguro nga, meron. Alam niyang napaka-imposible, pero siya mismo ang nakakita at nakaramdam kung gaano ka-bait si Kirin. At kung natatakot ba siya sa babaeng demonyong ito na kaharap niya ngayon? Hindi. Hindi siya natatakot. May tiwala siya kay Kirin, at mahal niya ito. Wala siyang pakialam kung anghel pa siya o demonyo o alien o kung anumang nilalang siya. Basta ang alam niya lang, mahal niya si Kirin. At iyon ang mahalaga.

"Hindi. Hindi kailanman, Kirin." Mahina niyang sagot sa tanong ng dalaga.

Bumuntong hininga ang dalaga. "Hindi ko kilala ang sarili ko. Wala akong clue sa pagkatao ko noon. Alam ko sa sarili ko na may kakaiba sa akin, pero hindi ko inalintaya iyo. At alam ko rin sa sarili ko na kakaiba ang pamilya namin. Ang ama ko ay hindi normal, at alam ko iyon. At ang ina ko naman ay ganoon rin. Pero kahit na alam kong may kakaiba sa aming pamilya, alam kong hindi gumawa ng kasakiman ang aking mga magulang. Napaka-bait nila. At kahit na iba kami sa mga tao, alam kong pinilit nilang mamuhay kami ng normal. Pero hindi lang pala sapat iyon, dahil nalaman ng mga tao ang aming sikreto. Napatay nila ang aking mga magulang. Pinatay nila ang mga magulang ko sa pamamagitan ng pag-sunog sa kanila ng buhay. Hindi sila nanlaban sa mga tao, dahil ipinangako nila sa kanilang mga sarili na kahit kailan, at kahit anong mangyari, hinding hindi sila mananakit ng mga tao. At nang dahil sa kagustuhan nilang mamuhay ng normal kagaya ng mga tao, hindi ko alam na iyon na pala ang magiging dahilan ng kanilang pagkamatay. Pero bago pa man sila mamatay, doon nila ipinagtapat sa akin na hindi ako normal---na hindi kami normal. Ang ama ko ay isang demonyo, at ang ina ko naman ay ganoon din. Sinabi nila na lumayo ako, malayong malayo sa lugar na iyon, dahil malaki ang posibilidad na patayin rin ako ng mga tao. Kaya ayon, umalis ako sa lugar na iyon at hindi na muling bumalik pa. Pero may isang taong itinakda para sa akin, at siya ang magiging daan upang ako ay maging ganap na normal na tao na lamang." Mahabang lintaya ng dalaga.

Napa-kurap siyang muli. "H-ha? 100,000 years!? At saka, teka, sino 'yong sinasabi mong itinakda para sa iyo?"

Tumingin si Kirin sa binata. At ganoon na lang ang pag-pintig ng puso ni Drake nang biglang ngumiti ng matamis si Kirin. "Ikaw."

"H-ha!? Ano!? A-ako!??" Gulat na gulat na tanong ni Drake sa kaniya.

So, 100,000 years na niya akong hinihintay!? Gulat na gulat niyang tanong sa sarili.

"Oo. Tama ka." Nakangiti pa rin niyang sambit sa binata. Hindi alam ng binata kung para saan ang sagot na iyon. Kung sa tinanong ba sa kaniya, o doon sa inisip niya. Pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay maitanong niya sa dalaga kung ano ba talaga ang nararamdaman nito.

"Mahal mo rin ba ako, Kirin?" Mahinang tanong ni Drake sa dalaga. Pakiramdam niya ay nawawalan siya ng boses.

"Malamang, oo. Mahal kita, Drake. Simula pa noong 100,000 year na ang nakararaan." Nakangising sagot ni Kirin.

"Diyos ko naman, Kirin! Kinikilabutan talaga ako sa mga binibitiwan mong salita. So, alam mo na pala na mabubuhay ako at itinakda ako para sa iyo simula noong 100, 000 years na ang nakararaan!?"

Nagkibit-balikat siya. "Oo."

Napakurap ang binata ng ilang beses. "Pero Kirin, kung matagal ka nang nabubuhay sa mundong ito, bakit---"

Pinutol niya ang dapat na sasabihin ng binata. "Bakit ganito pa rin ang mukha ko? Well, immortal ako. Remember, isa akong demon?"

Totoo nga ang hinala ko... "O-oo..." nasabi na lamang ng binata.

Napa-singhap ang binata nang marahang inilapit ng dalaga ang kaniyang mukha sa mukha ng binata. Naaamoy ng binata ang napakabangong hininga ni Kirin. "Ikaw ang susi para ako ay maging isang normal, Drake. At mamahalin kita hanggang sa huling hininga ng aking buhay."

Hindi na napigilan pa ni Drake ang sarili at hinalikan na niya ang mga labi ng dalaga. Napaka-lalambot ng mga ito. Nakakaadik. Nakakabaliw. Tila nawala siya sa sariling katinuan. Kaya pala noong unang kita pa lamang niya kay Kirin ay ganoon na lamang ang pag-tibok ng kaniyang puso. Nakatakda na pala sila sa isa't isa. At siya ang susi para maging isang ganap na normal na tao na lamang si Kirin. Gusto niyang mangyari iyon, para kung sakaling maging normal na tao na ang dalaga ay sabay silang tatanda at mamamatay. Gusto niyang mag-karoon sila ng mga anak sa abot ng kanilang makakaya. At gusto niyang pakasalan ang dalaga, sa mismong simbahan.

Humiwalay siya mula sa kanilang paghahalikan at hinaplos ang pisngi ng dalaga. "Sabihin mong mahal mo ako, Kirin. Sabihin mo, at h'wag na h'wag mong sasabihin na hindi mo ako mahal, dahil ikababaliw ko i---"

Hindi na niya pinatapos si Drake. "Mahal kita, Drake. Mahal na mahal kita."

At sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang siniil ng halik ang mga labi ng dalaga. Nakaka-adik ang mga labi nito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili nang marahang kinagat niya ang ibabang labi ng dalaga. Napakalambot ng mga ito. Humiwalay siya mula sa kanilang paghahalikan at idinikit ang kaniyang noo sa noo ng dalaga at marahang pumikit.

"Ang saya ko. Napakasaya ko ngayon, kung alam mo lang, Kirin. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako nang dahil nararamdaman ko. Ano ba itong ginawa mo sa akin..."

Napadilat ang binata at nakita niyang ngumiti ng matamis ang dalaga. 'Yong ngiting hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya. "Because you love me...

...and it just comes automatic."

~The End~

~*~*~*~*~*~*~

AutomaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon