2

24 3 2
                                    


~*~*~*~*~*~*~*~

"Hoy, Drake!" Sabi sa kaniya ng isang bundat na lalaki kasama ang mga alipores nito---ang kaniyang mga bully.

Napa-angat ang kaniyang ulo sa mga ito. Alam na niya ang mga susunod na mangyayari. Kilala kasi ang mga ito sa pambubully sa kanilang unibersidad. Mga feeling hari ito, at kung hindi mo maibigay ang mga hinihingi ng mga ito sa iyo ay bubugbugin ka nila at sapilitang kukunin ang gusto nila mula sa iyo.

Inis niyang tinignan ang mga ito. Pinutol kasi ng mga ito ang pagpapantasya niya sa kaniyang mahal na si Kirin. "Ano na naman ba ang kailangan niyo?"

Tumawa ang mga ito ng nakakaloko at nagsalita ang obese na leader ng mga bully na ito. "Aba at lumalaban na pala ang payatot na ito!"

"Palibhasa kasi ay sobrang taba mo..." mahinang bulong niya sa sarili at napa-ismid na lamang. Hindi naman siya payat katulad ng sinasabi ng mga ito. Sa totoo nga, eh, maganda ang pangangatawan nito. May mga abs din ito kung tutuusin. Hindi katulad ng bundat na ito, wala nang ibang ginawa kung hindi ang kumain ng kumain at mang bully.

"Anong sinabi mo!?" Sigaw ng bundat na lalaki at kinuwelyuhan siya.

Naku, patay. Mukhang napalakas yata ang pagbulong ko na iyon... sabi niya sa sarili. Napa-ngisi naman siya sa loob-loob. Mukhang napikon na ang matabang ito!

Alam na niya ang susunod na mangyayari. Napapikit na lamang siya para saluhin ang suntok ng matabang lalaki, ngunit ilang segundo na siyang nakapikit ay hindi pa rin niya nararamdaman ang paglapat ng kamao ng matabang ito sa kaniyang guwapong mukha. Napadilat siya at ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang makita niyang nakikipag-bugbugan ang mga ito sa isang babae.

Teka-BABAE!?

Lumapit pa siya ng kaunti sa mga ito, at ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang makita niya kung sino ang babaeng ito.

"KIRIN!!!" Gulat niyang bulalas.

Halos hindi na makilala ang mga mukha ng mga alipores ni taba nang dahil sa mga suntok ng dalaga. Nakabulagta na ang mga ito sa sahig at halos wala nang malay. Napa-awang ang kaniyang bibig at lumaki ang kaniyang mga singkit na mga mata.

Paano nagawa ni Kirin ang mga iyan!? Gulat na tanong niya sa sarili.

Tinignan niya ang dalagang si Kirin na papalapit sa kaniya. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa magandang mukha nito. Napa-tulala siya. At nang makalapit na sa kaniya ang dalaga ay inilahad niya ang kamay sa binata. Tinanggap naman iyon ni Drake at hinila siya ni Kirin upang makatayo. Hindi niya alam kung paano siya napa-upo sa sahig, pero hindi na mahalaga iyon. Ipinagpag niya ang kaniyang puwitan at tinignan ang mga alipores ni taba at ganoon na lang ang pag-ngiwi niya nang makita niyang mukhang napuruhan ang mga ito. At nagulat siya sa pag-sigaw ni taba sa may bandang kanan niya kaya naman ay napatingin silang dalawa ni Kirin dito.

"Walang hiya kang babae ka! Napaka-lakas mo! Mabuti na lang at hindi ako napuruhan diyan sa suntok mo! Anong klaseng halimaw ka, ha!?" Sigaw ni taba at nilapitan ang mga alipores nito at pilit gisingin. At nang magising na niya ang mga ito ay umalis na sila sa lugar na iyon.

Nahihiyang napatingin siya sa dalaga. "Ah... K-kirin?"

Blangkong tinignan lamang siya ng dalaga. Nagpatuloy siya. "S-salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin, ha?"

"Walang anuman." Malamig na sagot ni Kirin at tumalikod na sa kaniya. Ngunit nang lalaka na sana siya papalayo ay pinigilan siya ni Drake.

"Ah... K-kirin?" Nabubulol niyang sabi.

Lumingon ang dalaga sa kaniya. "Bakit?"

"A-ano kasi..." napakamot siya ng kaniyang batok. "P-paano mo nagawa iyon? Bakit sobrang l-lakas mo?"

Tinignan lamang siya ng malamig ng dalaga. Lalo siyang nangatog. Napakamot na lamang ulit siya ng kaniyang batok. "P-pero ayos lang naman kung hindi mo saguti---"

"Well, it just comes automatic." Nakangising sabi ni Kirin sa kaniya at lumakad na palayo at iniwan si Drake na nakanganga.

~*~*~*~*~*~

AutomaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon