4

11 1 0
                                    


~*~*~*~*~*~*~*~

Ilang linggo nang iniiwasan ni Drake si Kirin. At sa paglipas ng mga araw na iyon ay hindi siya tumigil sa paghahanap ng kasagutan sa kaniyang mga tanong. At iyon ay kung ano bang klaseng nilalang si Kirin---ang kaniyang pinakamamahal na babae.

Nakahiga siya ngayon sa kaniyang kama. Lutang ang kaniyang isip, tila ba'y naglalakbay kung saan. Nakatingin lamang siya sa kisame ng kaniyang kuwarto habang nakatulala. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"May kakaibang taglay na lakas. Napaka-perpektong mukha. Walang kahit anong bakas ng emosyon sa mukha. Napaka-pula ng kaniyang mga labi na tinalo pa ang mga kolorete na inilalagay sa mga labi. Kasing itim ng dilim ang kaniyang mga mata. At nahuli ko na minsan ring naging kasing pula ng apoy ang kaniyang mga mata. Hindi kaya..."

Napalaki ang kaniyang mata at napabalikwas mula sa pagkakahiga. Agad niyang pinuntahan ang kaniyang laptop at madaling binuksan ito. Ini-search niya ang mga katanungang bumabagabag sa kaniya. At ganoon na lamang ang pag-ngatog ng kaniyang mga tuhod nang makuha niya ang kaniyang sagot.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang kama at madaling nagdial ng number rito.

Pagkatapos ng ilang ring lamang ay bigla na lamang sinagot ito ng nasa kabilang linya. "Hello?"

Napalunok muna si Drake at saka sumagot. "H-hello, Kirin?"

"Hi, Drake. Napatawag ka?" Malamig na sabi ng nasa kabilang linya.

"P-puwede ba tayong magkita? Sa playground na kaharap lang ng university natin?" Ninenerbiyos niyang tanong.

Makailang segundo pa bago sumagot ang nasa kabilang linya. "Sige."

Ibinaba na niya ang tawag at napatulala. Hindi niya maiwasan na kilabutan...

... because he's in love with a demon.

~*~*~*~*~*~*~

AutomaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon