~*~*~*~*~*~Ilang buwan na ang nakalipas, at mapapansing malapit na sa isa't isa ang binatang si Drake at ang dalagang si Kirin. Mapa-bahay, mapa-school at mapa-labas ng school ay lagi silang magkasama. Kung titignan mo nga ay aakalain mong mag-syota silang dalawa dahil sa sobrang closeness ng mga ito.
Mapapansin ding marami ang nagbago kay Kirin. Palagi na itong ngumingiti at nagiging maligalig na ito sa t'wing kasama si Drake. Pero kung hindi naman niya kasama si Drake ay mas malamig pa ito kaysa sa yelo.
Si Drake naman ay labis ang sayang nadarama sa t'wing magkasama sila ni Kirin. Hindi niya maikakaliang sa bawat araw na magkasama sila ay lalo niyang minamahal ang dalaga. Lalo na't maganda na ang pakikitungo sa kaniya ni Kirin. Pakiramdam nga niya'y mababaliw na siya sa pagmamahal sa dalaga.
Masasabi nating napaka-suwerte ni Drake, dahil sa dinami-raming nagkakagusto at nahuhumaling kay Kirin ay siya lang ang masuwerteng kinakausap ng dalaga. Pero ayos na ayos lang sa kaniya iyon. Sanay na rin siya sa mga nakamamatay na tingin na itinatapon sa kaniya ng mga kalalakihang bawat makakasalubong nila ni Kirin.
Nandito sila ngayon sa rooftop ng school building nila. Kanina pa ang uwian, at paniguradong sila na lamang dalawa ang estudyanteng naiwan dito. Naisipan kasi nilang panuorin ang pag-lubog ng araw.
Ngayon na rin naisipan ni Drake na magtapat ng nararamdaman para sa dalaga. Hindi naman siya umaasa na magugustuhan din siya ni Kirin. Ang sa kaniya lang ay maisabi man lang niya itong nararamdaman niya. Hirap na hirap na kasi siya sa pagtatago ng nararamdaman mula sa dalaga.
"Kirin?" Pagbasag niya sa katahimikan. Nakatingin lamang ang dalaga sa araw.
"Hhmm?" Sagot naman ni Kirin habang hindi pa rin iniaalis ang tingin sa araw na palubog na.
"Mahal kita..." mahinang sabi ni Drake.
Napatingin naman si Kirin sa katabi. Wala man lang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha. Ni hindi man lang ito nagulat sa sinabi ng binata.
"Hindi mo ako puwedeng mahalin, Drake." Malamig niyang turan sa lalaki.
Napatungo naman ang lalaki. "Pero bakit?" Bakas sa boses nito ang lungkot.
Muling ibinalik ng dalaga ang tingin sa unti-unting lumulubog na araw. "Dahil hindi ako normal."
Napatingin ang lalaki sa katabi. "Paanong hindi normal? Ano, takas ka ba sa mental? May sapi ka ba? Baliw ka ba? Ano, hayop ka ba na nagkatawang tao? Ano? Sabihin mo sa akin, Kirin!"
Tumayo si Kirin mula sa pagkakaupo nang hindi pa rin iniaalis ang tingin sa palubog na araw. "Hindi mo naiintindihan. At kahit kailan ay hinding hindi mo ito maiintindihan..." malamig niyang sabi at tumalikod para lisanin ang lugar na iyon.
At sa paglubog ng araw ay kasabay din ang pagkahulog at pagkabasag ng kaniyang puso.
~*~*~*~*~*~*~*~
BINABASA MO ANG
Automatic
Short StoryAutomatic Written by: Musa Chica 11-05-2015 A short story -All Rights Reserved 2015- ~*~*~*~*~*~*~