Chapter 9: Black Angel (short story)

22 1 2
                                    

Isa's POV

"Sino kaya si Black Angel? Eyy. Alam ko naman na tao sya eh pero.. SINO BA TALAGA SYA?" Naguguluhan na talaga ako. Ewan ko ba!
Alam ko na maraming stalker dyan pero .. iba talaga ang pakiramdam ko.

Kinaumagahan, as usual, pumunta sa paaralan, nag-aaral at nagtataping na naman sina KSH. Pero si Black Angel talaga ang nasa isip ko whole the time. "Miss Ramirez?" Tanong ng guro. Sinagot ko naman, "bakit po?"
"Kanina kapa tumitig sa bintana! Hindi ka naman nakikinig! Lumabas ka at dalhin mo ang upuan sa soccer field, nang MAG-ISA! Naiintindihan mo?"
Patay, ano ba to. Sinunod ko ang utos ng guro at umupo ng mag-isa sa field. Ako lamang ang nag-iisang estudyante na umupo sa field. Pinagtatawanan ako ng mga estudyante doon. Hay naku, kailan kaya matatapos to?
Sumulat ako ng random words at si BLACK ANGEL na naman ang nasulat ko. "Ano ba to!? Oh sge nga! Black Angel , kung totoo ka man, magpakita ka sa akin!" Sumigaw ako sa inis at umupo muli na nakasimangot. Dahil dito, nahulog ang notebook ko. Kinuha ko to at pag tingin ko sa itaas, may isang lalaking nakaitim, may pakpak at gwapo.

Ikaw ba yan black angel? Tanong ko. Ngumiti siya sa akin. Pero parang familiar ang kanyang mukha. Para siyang si ... pero impossible. Nakita ko sa mga mata ko na nagtataping sila ngayon. Impossible! Pero, parang talaga siya eh.
Inabot niya ang kamay niya sa akin at hinawakan ko naman. Bigla kaming lumipad sa himpapawid. Medyo nalilito ako ngunit noong nakita ko ang mga ulap at lupa, parang nasa langit na ako. Masayang-masaya talaga ako at noong tumingin ako sa kanya, biglang lumiwanag ang paligid at unting-unti naglalaho ang anghel. Nahulog ako at ....
"Gising na Isa! " sabi nI Naeun. Napatayo ako at nasa soccer field pa rin ako. Panaginip ba yun? Sabi ko sa sarili ko. " Tignan mo ang mukha mo! May laway sa bibig mo oh!" Sabi ni Taeyang. Panaginip lang pa yun. Masyadong illusionada na kasi ako. Ito siguro ang resulta sa palaging pag-iisip kay black angel. Hay naku!

Tayo na. Recess na ! Sigaw ni Naeun. Wala kaming magawa, sumunod na rin kami. Araso !

---- END OF CHAPTER 9


P.S. Kamusta na? Okey lang ba ang short story ko? ! MAg comment naman kayo para mas mapaganda pa ang storya. Hahaha. Pasensya na po kayo kung napaka late ang update ko. Sana magustuhan niyo :)

I'm Inlove With A Flower BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon