Chapter 11: True Feelings

21 1 0
                                    

Isa's POV

Ayon. Nasa canteen kaming tatlo nila Naeun at Taeyang. May biglang lumalapit sa amin. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila. Pero na bigla nalang ako na binuhusan niya ako ng juice.

"Hello Isa! Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ng impaktang babae na may kasamang evil laugh. Inferness, bagay sa kanya ang WITCH.

"Minyoung!  Anong ginawa mo sa kanya?"  Galit na sinabi ni Naeun.

"Ay, ganun ba?  Meron kasing masamang amoy dito kaya binuhusan ko, may masama ba doon?"  Sagot ni Minyoung

"Sino ba sya?" Tanong ko kay Taeyang

Siya raw ang pinaka obsesse sa lahat nang babae dito sa SU at si Luhan pa. Maganda nga siya ngunit pangit naman ng ugali. Dahil dito, tumayo ako at nag sermon sa kanya.

"Ah. Ikaw pala si Minyoung.  Nice to meet you. Sayang lang dahil hindi maganda ang ating first impression.  Alam mo, kung may mabaho dito, eh yun ay ang bibig mo."

"Anong sabi mo?!" Nag aaction na siyang sampalin ako ngunit tinigilan ko. Tinuloy ko ang sermon ko.

"Eh kasi naman, malapit sa bibig mo ang ilong mo. Baka hindi ka nag toothbrush o may nakain kang masama. Alam mo, kung tungkol
to kay Luhan, bakit hindi mo siya diretsahan? Anong masama doon? O baka natakot ka dahil alam mo na ang sagot sa tanong ko? Kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo, hindi ba?"

"Hindi kaba natatakot na baka maakit si Luhan sa akin kung sakali?" Tanong ni Minyoung

"Bakit naman ako matatakot? Kung mahal mo talaga ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Nasa sayo lang ang desisyong ito."
Tumingin sya sa paligid niya at humarap ulit. Humanda ka sa susunod! Warning niya sa akin at umalis kasama ang ibang babae.

Nahanga naman ang mga kaibigan ko sa akin, pati rin ang mga taong nasa paligid ko. Pinapalakpak ako sabay ng hiyawan. Umalis ako para mag bihis at pagkatapos, pumunta ako sa isang bench upang makapag-iisa.

Naisip ko na ano ba talagang misyon ko dito? Kung hindi ko naman makikita si papa eh di wala na akong magagawa doon. Pero nagpapasalamat din ako kasi kahit maraming pagsubok na dumarating sa buhay, maraming taong nagmamahal sa akin at andyan palagi para sa akin. Tulad ni hyung, ate Irene, sina Naeun at Taeyang at si .... .. Luhan. Pero may kulang talaga eh. Kahit ano pa ang gagawin ko, may kulang pa rin eh. Hindi ko alam kung ano yun. Ah basta! Basta gagawin ko ang lahat dahil malapit na katapusan ng oras ko dito. " Ang sarap ng hangin dito."  Sabi ko.
May taong lumakad patungo sa akin. Si Luhan.

"O ito. Juice." At inabot niya sa akin

"Salamat" at kinuha ko ang juice

"Alam mo. Bilib talaga ako sayo eh." Sabi niya

"Nakita mo kanina? Nakakahiya naman."

"Ano ka ba? Okay lang yun. Ang tapang mo eh." Sabay tingin niya sa akin. "Maraming salamat talaga Isa."

Medyo natulala ako sa sinabi at hindi nagpahalata. "Ano kaba! Wala yun."

"Isa, naalala mo na ang una natin pagkikita?"

"Oo, ang sungit mo sa akin. Teka, bakit hindi mo ako sinagot non?"

"Kasi yun ang araw na nagsimula na ang feelings ko sayo." Sabi niya. Nabigla ako at kunwaring patingin sa langit.

Tuloy niya." Halos mabaliw ako sa iyo eh. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng babae sa mundo, ikaw pa ang nagustuhan ng puso ko. Alam mo, hindi ako naniniwala sa Love noon dahil sa nangyari sa aming pamilya. Ngayon, naniniwala ako at dahil sayo, baka maniniwala na rin ako sa forever."

I'm Inlove With A Flower BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon