Chapter 17: Unexpected Happiness

22 0 0
                                    

Isa's POV


Ilang araw din ako humiga sa kama ni Naeun. Nakakahiya ngunit wala akong maggawa dahil sa sobrang hina ng katawan ko. Nakita ko sa mga mukha nila ang pag-alala sa akin. Hindi ko talaga akalain na marami pala nagmamahal sa akin.Pagkatapos noon ay maayos na ang kalagayan ko. Pwede na ako pumasok sa paaralan at mag-aral uli.

Kinabukasan, nasa paaralan na ako. Parang walang nangyari. Noong umupo ako, tinanong ko si Naeun anong nangyari pagkatapos nahimatay ako. Sabi niya'y binuhat daw ako ni Soohyun patungo sa clinic.

"Yun lang?" tanong ko

"Eh ano ba?" sagot niya.

Hay salamat. Pag nakita ko si Soohyun ngayon, agad-agad ako magpapasalamat sa kanya. Nakakahiya naman.

"Good morning class"

"Good morning sir."

"Okay, bumalik na naman ang mga cast upang magtaping. Pero bago ang lahat, may sasabihin ang director sa inyo." sabi ni Sir.

"Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa malaking tulong niyo sa amin. Maraming salamat sa inyo." sabi ng director at nag bow ang lahat ng cast at staff sa amin. "At dahil dito, may regalo kami para sa inyo mamaya pagkatapos ng taping ngayon." dagdag niya. So last day na pala nila dito. Duty days ko nalang siya makikita. Nakakalungkot naman. At nagsimula na ang last taping nila dito.

Sa eksenang ito, aalis na daw si Soohyun papuntang America upang mag-aral. Kami daw mga classmates niya nalulungkot raw dahil aalis na siya. 

"Dapat yung linya niyo, pang goodbye talaga ha? hahahaha." bilin ng director

"OPO."

Lights, camera, ACTION..

"Mga kaklase, aalis na ako ngayon patungong America. Gusto ko sanang magdeliver ng speech ko bago umalis. hahaha. Classmates, salamat talaga. Hindi ko kayo makakalimutan. At kahit wala na si Bianca dito (umiiyak), okay lang ako." acting ni Soohyun at yung isang classmate ko kunwaring nagsuggest na magbigay din kami ng farewell message sa kanya. At ngayon ko lang narealize na wala si Luhan sa kanyang upuan. Absent na naman siya.

Lahat kami nagbigay ng Farewell message kay Daehyun (Soohyun). At noong ako na, tumayo ako at hinarap ko siya. Alam ko na taping lang to pero last taping nato kaya kinakabahan ako. Huminga muna ako ng malalim. Inhale .. exhale. Sinimula ko, "Maraming salamat dahil tinulungan mo ako sa lahat kahit hindi ako gaanong ka importante sayo. Alam mo, crush kita noong una. Pero nakita ko talaga na mahal mo siya. Kaya sumuko na ako. Hindi ko sinabi ito upang mapansin mo ako. Sinabi ko ito dahil gusto kong marealize mo na may magmahal sayo kahit suplado ka. Salamat Daehyun." Ang OA ng speech ko! Para sa drama ito or para sa kanya? Hay naku! Kinagat ko ang labi ko sa katangahan.

I reach my hand to him to shake hands as a farewell. Lumapit siya sa akin at nagshake hands kami. Ilang sandali, nagulat lang ako na malakas na yakap an humampas sa katawan ko. Niyakap niya ako buong magdamag at parang nakatulog siya. "Uy, reply mo!" bulong ko sa kanya. Niyakap niya ako at sabi'y "Salamat kaibigan, salamat." at umiyak siya.

CUT !

"Ang galing mo Isa! Para ka talaga si Bianca." compliment ng director

"Salamat po sir." At pinunas ko ang luha ko.

At doon nagtatapos ang taping. May libreng pagkain at souvenirs para sa amin. Busy rin ang mga kaklase ko sa pagselfie kasama ang ibang cast at mga staff. Abala ang mga tao ngunit hindi ko nakita si Soohyun. Tinanong ko ang manager niya kung saan siya at sabi niyay nasa labas lang daw kaya lumabas ako. Hinahanap ko siya pero noong nakita ko siya sa bench, bumili ako ng paborito niyang Apple juice at naglakad patungo sa kanya.

I'm Inlove With A Flower BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon