Chapter 6

100 5 0
                                    

(Praise POV)

KAKAIBA ang kaba na idinulot ni sadness sa'kin, napakabilis ng tibok ng puso ko, napahawak ako sa dibdib sa bandang nahampas niya, imbis na umaray kanina ay 'di ko magawang mag react dahil napatulala ako sa tawa niya.

Nakakahiya mang aminin pero napakagandang tingnan ng tawa nito, muling bumilis ang tibok ng puso ko.

damn!

"sige na sige na, maaga pa pasok ko bukas. goodnight honey matulog ka ng mahimbing ah gagawa pa tayo ng anak"

"sige na sige na, maaga pa pasok ko bukas. goodnight honey matulog ka ng mahimbing ah gagawa pa tayo ng anak"

Paulit-ulit itong bumabalik sa isip ko, tila nag e-echo.

did she just called me honey?

Pakiramdam ko nagiinit ang mukha ko, parang may kakaiba sa'king tiyan.

kainis!! kasalanan mo'to sadness! pagmaynangyari sa puso ko, Ikaw ang sisisihin ko! damn it!

Hindi maayos ang tulog ko dahil kagabi, ang bigat bigat sa pakiramdam. Tamad akong pumasok sa banyo para maligo, alas otso magsisimula ang klase namin kaya hindi na rin ako nagmadali, isinuot ko ang uniform namin, kulay blue na may logo ng mismong paaralan, inayos ko rin ang necktie, tiningnan ko ang kabuuan kung maayos naba, nang makitang okay na ay agad kong isinukbit ang bag at kinuha ang cellphone nasa study table.

Nadatnan ko si sadness sa sala, bihis na rin ito, halatang hindi nagsuklay, kagat-kagat niya ang mansanas habang prenting nakaupo sa couch na nag se-selpon, nakapandikwatro pa itong pambabae.

"morning" walang ganang bate ko, ngunit tiningnan niya lang ako at muling nag selpon.

Wala talagang respeto, 'di man lang nag-abalang bumate pabalik. tsk!

Nagtungo ako sa kusina para mag-agahan ngunit wala akong nakitang nakahain na pagkain.

the heck!

"Hindi ka nagluto?" pasinghal kong tanong ng muling makalapit sa kanya.

"hindi"

"bakit?"

"anong bakit?"

"bakit 'di ka nagluto? alam mo namang kakain ako"

Bakas ang inis sa boses ko, matapos siyang nagtipa sa selpon ay ibinulsa niya iyon at deretsong tumingin sa'kin.

"you're suppose to cook for me" dagdag ko pa

"ipapaalala ko lang, hindi ako ikinasal sayo para gawing utusan, now if you don't mind I need to go. I have a classes" akma akong tatalikoran nito nang hawakan ko siya sa braso na 'di ko rin alam kung bakit ko ginawa. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya, nahihiya naman akong ibinaba 'yon.

"sorry" utal akong ani

"tell me. ano bang kailangan mo?" nakakunut-noo ito

"gusto ko lang namang malaman kung bakit hindi ka nagluto"

"alam mo namang 'di ko ugali yon"

"then ugaliin mo"

"eh?"

"alam mo namang may asawa kana, act like a wife"

"you know that I can't"

"dahil ba kay quirwon?"

Ikinasal ako sa tomboy natoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon