PRAISE POV
TATLONG araw na ang nakalipas mula ng nagtapat ako kay sad, buong akala ko ay may magbabago, lalo pa't tabi kami natulog matapos kung e uwi siya galing sa sementeryo. Imbis na maging magkalapit kami ay mas dumistansiya siya sa'kin, nakatanggap pa ako ng babala galing sa kanya.
flashback...
"tigilan mo 'yang ginagawa mo praise, hindi nakakatuwa"
Biglang ani niya habang kumakain kami.
"Ano bang ibig mong sabihin?"
"Iyang nararamdaman mo, e tigil mo 'yan" Kalmado nyang salita habang kumakain
Anong akala niya? basta basta lang to mapipigilan?
"Ba't mo sinasabi yan? ayos naman tayo kagabi ah, sakatunayan nagawa pa kitang yakapin" Mahina kong ani
"Pinagbigyan lang kita, pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan ko nalang. May girlfriend ka praise sana di' mo nakalimutan, ayokong maging dahilan ng pagtatalo niyo, o mas malala magkahiwalay kayo, ayoko ng gulo praise kaya hangga't maari, pigilan mo iyang nararamdaman dahil mali yan" Mahabang litanya nya
Bigla akong nakaramdam ng inis, paano niya nasasabi na mali? Naiintidihan ko ang ibig nyang sabihin, ngunit kahit kailan hindi naging mali ang magkagusto.
"Sinubukan ko sad, pinigilan ko, pero lahat ng ginawa ko walang silbi, hindi ngalang kita makita pakiramdam ko nanghihina ako, kaya pa'no sad? pa'no ko 'to pipigilan?" Inangat niya ang tingin sa'kin, malamig niya akong tiningnan.
"Kahit ano pa ang dahilan mo, pigilan mo pa rin yan praise, because I'm telling you..." Saglit siyang huminto at tumitig sa'kin "I can't reciprocate your feelings"
Deretso siyang tumayo at dinala ang pinagkainan sa lababo.
End of Flashback
Nagmamaniho ako papunta sa bar, tinawagan ko rin ang tatlo na pomunta ro'n.
Right now, kailangan kong e labas tong nararamdaman, kinakailangan kong desisyon sa setwasyong 'to.
Nauna akong dumating sa bar, dumeretso agad ako sa pwesto namin, agad nag order ng maiinom, habang naghihintay sa mga kaibigan ko ay na una na akong uminom.
"Praise"
Tiningnan ko ang tumawag, si hailex, kakarating lang nila, agad nagsiupo ang tatlo.
"What's the problem praise?" Tanong ni Barry, halatang nagaalala ito.
Kahit paman tila may sayad to sa utak, sumeseryoso naman ito sa tuwing may problema na kinakaharap ang isa sa amin.
Ininom ko muna ang natitirang alak sa baso bago inilapag sa mesa "Hindi ko na alam ang gagawin barry. Nahihirapan ako sa nangyayari, ipit na ipit ako sa setwasyong ako rin naman ang maypakana"
"Tell us what happened praise" Tiningnan ko sila isa't isa at napayuko, napahilamos ako sa mukha bago kinuha ang basong may lamang alak at tinungga, hindi pa na kuntento at sinundan ng isa pa.
Susundan ko pa sana ulit ng isa ng "Stop drinking praise, hindi yan makakalutas ng problema mo" Pigil ni duo, nakahawak ito sa kamay ko, hudyat na pinipigilan akong uminom.
Humugot muna ako ng isang malaking buntong hininga at umayos ng upo.
"Mahal ko na si sad" Panimula ko, kunut-noo nila akong tiningnan.
"Praise..." Tawag ni hailex
"Alam ko dre, alam ko. May girlfriend ako, maling magkagusto kay sadness dahil nandiyan si devone. Pero Dre hindi eh" Pumaos ang boses ko, ramdam ko ang panunubig ng mata ko.
"Anong hindi?"
"Hindi ko mapigilan, sinubukan ko, ginawa ko lahat ng makakaya ko, lumayo ako sa kanya, binalak kong ipahiya siya sa harap ng mga investors"
"You mean? plano mo talagang ipahiya si sad no'ng mga oras na yon praise?" Kunut-noong tanong ni hailex, nahihiya akong tumango sa kanya.
"The heck! dre, why did you do that?"
"Because I thought that I might turn off and that, I'll be able to get rid of this feeling if she messed up in the presentation. But no, mas lalong humanga ako sa kanya, I was amazed while looking at her lex, mas dumagdag ang nararamdaman ko" Nanghihina ako sa mga sinasabi ko, nakakapanghina.
Napabuntong hininga na lang rin ang mga kaibigan ko.
"How about devone? gusto mo pa rin ba siya?" Napalingon ako kay Barry, bigla akong napahinto, matagal ko na ring naisip yan.
"Alam kong may nagbago, I know I still like her, probably because she's been there for me, but I know, I know na hindi na iyon katulad ng dati, everything changed dre, ramdam na ramdam ko ang sarili ko"
"What will you do?" Napatingin ako kay duo. "Hindi naman pwedeng pagsabayin mo ang dalawa dre, asawa mo si sad, long time girlfriend mo naman si devone, who will you choose?" Dagdag niya pa
"Advice ko lang dre, bago ka mag desisyon, linawin mo muna ang lahat, yang nararamdaman mo linawin mo, at huwag kang magalala, walang mali sa magiging desisyon mo, kung sino man ang pipiliin mo sa dalawa, susuportahan ka namin. Afterall, you're our bestfriend" Lumapit sila sa'kin at tinapik tapik ako sa balikat, kahit papaano'y gumaan ang nararamdaman ko
To be continued.....
I'm very sorry for the super duper mega ultra late update peps!! but don't worry, I still want to complete this story. Keep updated everyone!
BINABASA MO ANG
Ikinasal ako sa tomboy nato
AléatoireLohr Praise Starrel, nineteen years old, a fourth year college student at chief executive officer ng kanilang kompanya, he was forced to get marriage to Sadness Jorge, a sixteen years old girl who he think is a lesbian. Pakiramdam niya pinagsakluban...