PRAISE POV
MAAGA AKONG BUMANGON, inagahan ko talaga ang pag gising para sa araw na 'to, ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni sad, kahit na nasa iisang bobong lang kami ay hindi kami nagkikita, pakiramdam ko rin eh iniiwasan niya ako.
May kakaunting kirot akong naramdaman dahil sa isiping iyon, gayon paman buo na ang desisyon ko.
Matapos maligo ay hindi na ako nag-agahan, mabilis akong nag tungo sa garahe at agad sumakay at pinaandar ang kotse. Buo na ang loob ko, at para sa'kin, ito ang pinaka mainam na desisyon, ramdam ko rin namang hindi ko ito pagsisisihan, bagaman may lungkot ay binaliwala ko na lamang at itinuon ang sarili sa pagmamaneho pa punta kay DEVONE.
Tama. Si devone ang pinili ko, siya ang gusto kong makasama, at ito ang nakikita kong tamang desisyon, bukod sa matagal ko na siyang girlfriend, siya rin ang isa sa naging sandalan ko sa buhay, at ayaw kong basta basta nalang mawala iyon dahil lang sa kaisa-isang tao, at sinisigurado kong hindi hindi ko ito pagsisisihan.
Pagkarating ay hindi ko ina nunsiyo sa kanya na darating ako, balak kong surpresahin ang nobya ko, dala ang malaking bulaklak at maraming tsokolate, dahan dahan kong pinihit ang pinto, sa ganitong oras, alam kong tulog pa siya.
Napangiti na lamang ako sa iniisip na magiging reaksiyon niya.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto sa kwarto ni devone, and there, I saw her peacefully sleeping.
Taimtim ko siyang tinitigan.
"How can I leave this girl?, when she's been there during my upsidedown"
"Babe" Mahina kong tawag sa kanya, marahan kong sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.
"Babe" Paguulit ko pa, mahina itong umungol, napatawa na lamang ako
"Babe gising na"
"Hmm...sino ka ba?" Inis nitong ani habang nakapikit
Mas lalo akong natawa
"Kinalimutan mo naba ang gwapo mong boyfriend Devone Marquez?"
Mabilis itong dumilat "Good morning babe" Bati ko sa kanya
"Oh my goshhh" Tili nito, agad siyang bumangon at mahigpit akong niyakap. "Oh my goshhh I really miss you babe, akala ko tuluyan mo na akong iiwan"
"I'm not going to do that babe" Hinahaplos haplos ko ang buhok niya, kumalas ako sa kanya at tinitigan siya. "Hindi kita iiwan"
"Really?!" Tumango ako sa kanya at ngumiti
"Oh my goshhh!! I love you so much babe" Tili nito at agad akong hinalikan, na tinugunan ko naman, ako na rin ang pumutol at muli siyang tiningnan
"Prepare your clothes, we'll have a vacation" Nakangiti kong ani
"You're not kidding me right?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Of course babe, I wanna spend my time with you"
"Goodness, I can't believe this, alright I'll prepare my things, maliligo na muna ako" Agad itong tumayo at bumaba sa kama, dali daling pomunta sa banyo para maligo.
Ganyan dapat praise, si devone at pagtuonan mo maliban sa eskwela at kompanya
Ngunit hindi ko maintindihan, kung bakit ganoon, sa isip ko ay masaya ko, pero yung puso ko, ang bigat, sobrang bigat sa pakiramdam.
H-hindi to pwede, si devone lang praise, si devone lang.
NAGING MABILIS si devone, kaya naman maaga rin kaming naka punta sa resort na pagbabakasyonan namin.
BINABASA MO ANG
Ikinasal ako sa tomboy nato
De TodoLohr Praise Starrel, nineteen years old, a fourth year college student at chief executive officer ng kanilang kompanya, he was forced to get marriage to Sadness Jorge, a sixteen years old girl who he think is a lesbian. Pakiramdam niya pinagsakluban...